December 18, 2025

Home BALITA Internasyonal

Mahigit 300 estudyante na-kidnap sa Nigeria; lahat ng eskwelahan, napilitang 'mag-shutdown'

Mahigit 300 estudyante na-kidnap sa Nigeria; lahat ng eskwelahan, napilitang 'mag-shutdown'
Photo courtesy: via AP News

Ipinasara na ang lahat ng paaralan sa Nigeria matapos ma-kidnap ang 303 mga estudyante at 12 guro nang hindi pa nakikilalang armadong grupo noong Biyernes, Nobyembre 21 2025. 

Ayon sa ulat ng AP News nangyari ang pag-atake ng mga suspek sa isang Catholic School kung saan tinatayang nasa edad 10 taong gulang hanggang 18-anyos ang mga nadakip na biktima. 

Habang noong Linggo Nobyembre 23 nasa 50 mga estudyante ang nakatakas umano mula sa mga kidnapper at kasalukuyan ng nakauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung saan at ano ang motibo ng pag-atake sa naturang eskwelahan lalo pa't ito ang ikalawang beses na nagkaroon ng insidente ng kidnapping sa mga eskwelahan sa Nigeria.

Internasyonal

Babae, nagpakasal sa isang AI persona!

Kamakailan lang ng 25 mga estudyante naman ang napaulat na dinakip ng mga armadong lalaki kung saan tinatayang 170 kilometro ang layo nito mula sa St. Mary School.

Matatandaang kamakailan lang din nang gumawa ng ingay ang pahayag ni US President Donald Trump patungkol sa mga bansa West Africa na nakakaranas umano ng pang-aatake laban sa mga Kristiyano—bagay na pinabulaanan ng mga awtoridad at iginiit na maging ang ilang Muslim community sa Nigeria ay hindi umano nakaligtas sa mga armadong grupo.

Samantala noong Linggo rin Nobyembre 23 nang umapela ng dasal si Pope Leo XIV para sa mga biktima ng kidnapping sa Nigeria.

“It feel great sorrow, especially for the many girls and boys who have been abducted and for their anguished families,” anang Santo Papa.

Dagdag pa niya "I make a heartfelt appeal for the immediate release of the hostages and urge the competent authorities to take appropriate and timely decisions to ensure their release."