Ikinasal na ang komedyanteng si Kiray Celis sa non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estophia.
Sa latest Facebook post ni Kiray noong Linggo, Nobyembre 23, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan na kuha sa isang beach kung saan sila ikinasal.
“#TEPANallyfoundhisdesTINGny,” saad sa caption.
Inulan tuloy si Kiray ng pagbati mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Parang ' I LOVE YOU TO DEATH ' lang kiray Celis and enchong dee as Gwen and ton ton BTW CONGRATULATIONS TO BOTH OF YOU "
"Eto ba yung ' I love you to death'? Hahahaha btw. Congratulations Kiray Celis "
"Bilib talaga akoa ke Senyora di lumabas ha ha Congratulations Kiray Celis
"Lovely couple congratulation."
"Congratulations Kiray Celis let other dog bark "
"The loyals must be on orchestra basher balcony only hahaha.. congratulations lablab two"
Matatandaang Abril nang alukin ni Stephan si Kiray para magpakasal. Nagkakilala at nagsimula silang mag-date noong 2019 bagama't matagal nang magkakilala dahil kaibigan ni Stephan ang kaniyang kapatid.
Maki-Balita: Kiray Celis, hagulgol sa proposal ng boyfie