December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: Pinoy personalities na hasa rin ang ‘unique’ na talento sa ibang larangan

KILALANIN: Pinoy personalities na hasa rin ang ‘unique’ na talento sa ibang larangan
Photo courtesy: michaelbitoy (IG), pochoy_29 (Paolo Ballesteros, IG)

Kilala ang mga Pinoy sa maraming bagay, at pagiging talentado ang isa rito. 

Sa kantahan man ito, sayawan, o aktingan, namamayagpag ang Pinoy pride hindi lang sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bayan, dahil sa likas na kahuyasan ng mga ito. 

Bilang representante ng mga talentong ito, kilalanin ang ilan sa Pinoy personalities na umuukit ng pangalan sa iba’t ibang larangan gamit ang kanilang kakaibang talento. 

Michael V

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Si Beethoven Del Valle Bunagan, nakilala rin sa kaniyang screen name na “Michael V” o “Bitoy,” ay isa sa mga versatille na talent sa mundo ng showbiz. 

Dahil bukod sa pagiging komedyante, aktor, TV host, at direktor, kilala rin siya bilang talentadong arte dahil sa mga portrait sketches niya. 

Ilan sa mga personalidad na iginuhit niya ay sina Broadcast Journalist Jessica Soho, ang boksingerong si Muhammad Ali,at basketball legend na si Kobe Bryant. 

Joey De Leon

Si Jose Maria Ramos de Leon Jr. o kilala rin bilang Joey de Leon, ay isa mga host ng long-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga!” 

Bukod sa pagiging host, musikero, komedyante, at aktor, si Joey ay isa ring pintor, “playnter” kung tawagin niya ang sarili dahil ine-enjoy niya ang pagpipinta. Ika nga niya sa isang panayam niya sa GMA, “I paint and I play.” 

Isa sa mga obra niya ang ang “Pandemilk,” kung saan makikita ang isang ina na nagpapa-breastfeed sa anak nito, habang kalahati ng suot nitong bra ay nagsisilbing face mask. 

Taong 2021, inanunsyo ni Joey ang pagbubukas ng “In the house (Art… Work from Home).” kung saan, ipinakita niya sa publiko ang iba pa niyang paintings. 

Marian Rivera 

Si Marian Gracia Rivera, kilala rin bilang Marian Rivera, ay ang tinaguriang “Kapuso Primetime Queen” dahil sa angkin niyang galing sa pag-arte. 

Bukod sa pagiging aktres at producer, si Marian ay isa ring business owner ng “Flora Vida: Perennial Blooms by Marian” kung saan, ipinamamalas dito ang talento niya sa floral arrangement. 

Taong 2017, naibalita na pumunta siya sa Kyoto, Japan, at nag-aral siya ng floral arrangement sa patnubay ng Dutch florist na si Nicolai Bergmann. 

Ashley Ortega

Bago maging isa sa mga kilalang Kapuso actress sa kasalukuyan, si Ashleigh Marguerretthe Krystalle Nordstrom Samson, o kilala rin bilang Ashley “Ash” Ortega ay isang figure skater. 

Ayon sa ulat ng GMA News, nagsimula sa skating si Ash noong tatlong taong gulang pa lang siya, at nagsimulang pumasok sa kompetisyon pagtungtong niya ng limang taon. 

Sa mga kompetisyon niya sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Malaysia, at Thailand, samu’t saring awards ang naiuuwi niya. 

Taong 2022, muli niyang ipinamalas ang nahasa niyang talento sa skating para sa figure skating drama series niyang “Hearts On Ice.” 

John Lloyd Cruz

Isa sa mga kilalang aktor sa bansa, si John "Juward" Lloyd Espidol Cruz, na nakilala sa mundo ng showbiz bilang “John Lloyd Cruz,” ay isang multi-awarded na aktor at producer. 

Bukod pa rito, isa si John Lloyd sa mga napiling photographer ng Cinemalaya noong 2022 para kuhaan ng litrato ang mga direktor nito. 

Ang mga kuhang larawan ni John Lloyd ay idinisplay sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong Agosto. 

Judy Ann Santos-Agoncillo

Si Judy Anne Lumagui Santos o kilala rin bilang Judy Ann Santos-Agoncillo ay isang aktres at producer. 

Sumikat siya sa telebisyon sa mga proyektong “Mara Clara,” “Esperanza,” at “Kasal, Kasali, Kasalo.” 

Bukod dito, ipinamalas din niya ang kaniyang culinary skills sa Youtube channel niyang “Judy Ann’s Kitchen.” 

Ayon sa panayam niya sa ABS-CBN News, nagsimula ang pagmamahal niya sa pagluluto noong bata pa siya, kung saan, tumutulong siya sa ina at kapatid bilang assistant sa kusina. Sa kasalukuyan, ilan sa mga naging signature dishes ni Judy Ann ay ang “angrydobo” at “laing.” 

Paolo Ballesteros 

Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV o kilala rin bilang Paolo Ballesteros ay nakilala bilang isa sa hosts ng long-running noontime TV show na “Eat Bulaga!”

Isa rin siyang aktor na nag-uwi ng International Best Actor award para sa paggampan niya sa pelikulang Die Beautiful. 

Isa rin siyang beauty pageant mentor, costume designer, at drag queen. 

Taon 2020, kinilala siya sa Time Magazine bilang “King of Make Up Transformation” dahil sa kahusayan niya sa pag-iimpersonate ng iba pang personalidad sa pamamagitan ng makeup. 

Ilan sa mga kilala niyang celebrity makeup transformation ay ang karakter ni Arya Stark sa Game of Thrones, Kylie Jenner, at Mariah Carey. 

Taong 2022, naging host siya ng “Drag Race Philippines,” kung saan, nagamit niya ang talento sa TV hosting at makeup transformation. 

Sean Antonio/BALITA