December 14, 2025

Home BALITA Probinsya

Kanlaon at Mayon, nanganganib na maglabas ng lahar bunsod ni ‘Verbena’

Kanlaon at Mayon, nanganganib na maglabas ng lahar bunsod ni ‘Verbena’
Photo courtesy: PHIVOLCS-DOST (FB), PIA (website)

Naglabas ng “Lahar Advisory” para sa mga bulkang Kanlaon at Mayon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes, Nobyembre 24, bilang abiso sa posibleng pagdaloy ng lahar mula sa mga ito bunsod ng inaasahang mabigat na pag-ulan dala ng Tropical Cyclone (TC) “Verbena.” 

Kanlaon 

Ayon sa Phivolcs, posibleng magkaroon ng sediment flows o pagdaloy ng lahar sa mga ilog at drainage areas malapit sa Kanlaon dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan sa ilang parte ng Central Luzon at Negros Island dala ng TC Verbena sa mga susunod na araw. 

“Prolonged heavy to intense rainfall may generate life-threatening lahars and sediment-laden streamflows on major channels draining the southern, western and eastern slopes of Kanlaon Volcano,” saad ng ahensiya sa kanilang pahayag. 

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Ang post-eruption lahars ay maaari raw mangyari dahil sa erosyon ng mga naging loose material deposits mula sa naging pagputok nito noong Okture 24, 2025 at mga kamakailan na ash emission. 

Habang ang non-eruption lahars ay posible sa mga lugar na napahina ng mga kamakailang landslides sa pagdaan ng bagyong Tino. 

“In addition, non-eruption lahars can be generated when areas on the upper slopes that have been recently exposed by landslides or weakened during the passage of Typhoon Tino earlier this month become susceptible to failure and feed debris to rivers that have already delivered destructive flows to downstream communities,” saad sa kanilang pahayag. 

Ang mga komunidad sa Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla and San Carlos City, Negros Occidental and Canlaon City, Negros Oriental, na malapit sa mga sumusunod na ilog ay inaasahang maaapektuhan ng pagdaloy ng lahar: 

- Ibid River

- Cotcot River

- Talaptapan River

- Malaiba River

- Panubigan Creek

- Buhangin – Indurayan River

- Najalin River

- Inyawan River

- Maragandang River o Panun-an Creek

- Intiguiwan River

- Camansi River 

- Maao River 

- Tokon-tokon River

- Masulog River

- Binalbagan River

- Taco Creek

- Linothangan River

Mayon

Dahil din sa inaasahang pagdaan ng TC Verbena sa rehiyon ng Bicol, inaasahan ang posibleng pagdaloy lahar sa mga ilog at drainage areas malapit sa bulkang Mayon. 

Ayon sa Phivolcs, ang mabigat na pag-ulan bunsod ng TC Verbena ay maaaring magdulot ng “life-threatening post-eruption” dahil sa posibleng paglala ng matinding erosyon ng loose material deposits mula sa mga naging pagputok ng Mayon noong 2018 at 2023. 

“Intense to torrential rainfall can generate life-threatening post-eruption lahars on major channels draining Mayon Volcano by eroding loose material from remnant pyroclastic deposits of the 2018 and 2023 Mayon eruptions,” saad ng Phivolcs. 

Dahil dito, nagbabala ang ahensya na maaaring magkaroon ng malaking daloy ng lahar ang mga komunidad malapit sa  Miisi, Binaan, Mabinit, Buyuan, Anoling, Matanag, Bonga and Basud Channels.

“The bulk of erodible deposits occupy the watershed areas of the Miisi, Binaan, Mabinit, Buyuan, Anoling, Matanag, Bonga and Basud Channels, such that communities along and downstream of these channels could be severely threatened by post-eruption lahars,” ani Phivolcs. 

Bukod pa rito, maaari ring maapektuhan muli ang munisipalidad ng Guinobatan dahil maaari pang mas lumala ang paghina ng eroded materials sa timog-kanlurang dalisdis ng Mayon. 

“In addition, older and erodible pyroclastic deposits on the southwestern slopes, which have been continuously eroded and brought down by intense rains through the Masarawag and Maninila Channels and even creeks within their immediate vicinities, could once again feed non-eruption lahars that could severely threaten communities in the Municipality of Guinobatan,” dagdag-paliwanag pa nito. 

Binanggit din ng Phivolcs na ang mga lahar sa Mayon ay kadalasang malakas at may kakayahang magbaon ng mga kabahayan dahil sa mabibigat nitong bato. 

Sa mga naging pahayag ng ahensya, inaabiso nila ang publiko at local government units (LGUs) na patuloy bantayan ang kondisyon ng pag-ulan at magsagawa ng agarang pre-emptive response measures para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. 

Sean Antonio/BALITA