Nagbigay ng maiksing reaksiyon at komento si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Andres Reyes, Jr. sa paglalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan laban sa mga sangkot na indibidwal kaugnay ng maanomalyang flood control projects, nitong Lunes, Nobyembre 24.
Sa ambush interview ng media kay Reyes, sinabi niyang "Very good" daw ang paglalabas ng arrest warrant laban sa mga umano'y sangkot sa nabanggit na flood control scam, na ilang buwan na ring pinag-uusapan.
"Very good, very good to hear," ani Reyes habang sumasakay siya sa kotse.
Ang nangyayaring ito raw ay para sa mga Pilipino, aniya pa.
Matatandaang mula mismo sa ulat ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., pitong indibidwal na raw ang nasa kustodiya na ng pulisya, dalawa ang nakatakdang sumuko, at pito naman ang pinaghahanap pa, sa mga sangkot sa nabanggit na maanomalyang proyekto.
May payo naman si PBBM sa mga patuloy na nagtatago at pinaghahanap pa rin ng pulisya.
"Sa lahat ng natitirang akusado, ang aking payo sa inyo ay sumuko na kayo. Huwag n’yo nang hantayin na hahabol-habulin pa kayo,” pagdidiin ng Pangulo.
Kaugnay na Balita: PBBM sa arrest warrant laban kina Co, iba pa: '7 hawak na ng pulis, 2 susuko, 7 di pa nahuhuli!'