January 07, 2026

Home BALITA

Dizon sa pagkaaresto ng 8 sangkot sa maanomalyang flood control projects: 'Umpisa pa lang ito!'

Dizon sa pagkaaresto ng 8 sangkot sa maanomalyang flood control projects: 'Umpisa pa lang ito!'
Photo Courtesy: PCO (FB)

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na marami pang sangkot na indibidwal ang mapapanagot sa maanomalyang flood control projects.

Ito ay matapos ilabas ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Lunes, Nobyembre 24, ang mugshots ng unang pitong indibidwal na dawit sa naturang katiwalian. 

Kaya sa ikinasang press conference nito ring Lunes, inusisa si Dizon kung saang flood control sangkot ang mga akusado at kung ano pa ang mga aasahan ng publiko sa imbestigasyon ng ahensya sa mga susunod na araw.

“Unang-una po, narinig naman po natin ang pangulo natin kaninang umaga. In-announce na ang pagkaaresto nitong mga unang sangkot sa unang kasong finile ng gobyerno laban sa mga maanomalyang flood control projects,” saad ni Dizon.

National

Kahit malayo sa Pinas: Christmas ni Harry, merry!

Dagdag pa ng kalihim, “Nandito na po tayo sa punto na mananagot na po lahat ng mga dapat managot pero umpisa pa lang po ito. Ito po ang unang-unang kaso tungkol sa flood control sa Oriental Mindoro. Pero marami pa pong parating na kaso. Marami pa pong makakasuhan. Marami pa pong maaresto.”

Sa ngayon, maghintay na lang daw muna ang publiko dahil madadagdagan at magdadagdagan naman kalaunan ang bilang ng mga mapapanagot gaya ng ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matatandaang nauna nang inihayag ni Dizon kamakailan na hindi na kinakailangang maghintay pa ng Disyembre bago maaresto ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: ‘May makukulong na!’ Pag-aresto sa mga sangkot sa flood control scandal, di aabot ng Disyembre—Sec. Dizon