January 08, 2026

Home BALITA National

'Ba't ka nagtatago sa malayo?' Zaldy Co, umuwi raw muna bago magbato ng mga alegasyon—PBBM

'Ba't ka nagtatago sa malayo?' Zaldy Co, umuwi raw muna bago magbato ng mga alegasyon—PBBM
Photo courtesy: RTVMalacañang (YT), Zaldy Co (FB)

Sumagot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., tungkol sa mga ibinabatong “alegasyon” sa kaniya ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ayon sa naging press briefing ni PBBM nitong Lunes, Nobyembre 24, sinabi niyang tingnan ng taumbayan ang kalidad ng mga pahayag ni Co kung dapat ba umano itong paniwalaan.

“Well, look at the qualities of his statements. Mahaba na ang naging usapan natin tungkol sa fake news,” aniya.

Dagdag pa niya, “Anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things, paulit-ulit.”

National

11M bata, target mabakunahan sa Ligtas-Tigdas Vaccination ngayong Enero

Anang Pangulo, wala raw saysay ang mga nasabing algasyon ni Co at maganda raw na umuwi muna siya ng bansa para masabi ang lahat ng gusto niyang sabihin.

“It means nothing. For it to means something, umuwi siya rito. Harapin niya ‘yong mga kaso niya. Kung mayroon siyang gustong sabihin, sabihin niya. Malalaman naman ng tao ‘yan,” saad niya.

“But come home. Ba’t ka nagtatago sa malayo?” kuwento pa niya.

Ani PBBM, hindi raw siya nagtatago at nandito lang sa bansa sakaling mayroon mang nais isiwalat si Co.

“Ako, hindi ako nagtatago, e. Kung mayroon kang [Zaldy Co] akusasyon sa akin, nandito ako,” pagtatapos pa niya.

Kaugnay nito, matatandaang naglabas din si Co ng bago niyang video statement sa kaniyang Facebook post nito ring Lunes, Nobyembre 24, 2025.

MAKI-BALITA: Pasabog ni Zaldy Co: 'Papalabasing ako'y terorista sa loob at labas ng bansa para ilibing katotohanan’

Ani Co, mayroon pa raw na ₱56 billion na nakuha sina PBBM at Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez bukod sa ₱100 billion na nauna niya na noong maisawalat.

Dagdag pa niya, mayroon pa rin daw na ₱97 billion flood-control insertion sina Romualdez at PBBM na nilagay sa National Expenditure Program (NEP).

“Ang totoo, mula 2022 hanggang 2025, ang kabuuang pera na dumaan sa akin para ibigay kay Pangulong Bongbong Marcos at dating Speaker Martin Romualdez ay umabot sa ₱56 billion at hiwalay pa diyan ang ₱100 billion insertion ng Pangulo sa 2025 budget. Pati na rin ang ₱97 billion flood-control insertion na nilagay sa NEP ng 2026 national budget,” pagsisiwalat ni Co.

MAKI-BALITA: 'Sinabi mismo ni Speaker Martin Romualdez sa akin na hati sila ni PBBM sa perang iyon'—Zaldy Co

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Mc Vincent Mirabuna/Balita