Pinangalanan ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval ang mga indibidwal na inisyuhan ng warrant of arrest kaugnay sa maanomalyang flood control projects na kasalukuyang nasa labas ng PIlipinas.
Sa latest episode ng radio program na “Ted Failon and DJ Chacha” nitong Lunes, Nobyembre 24, sinabi ni Sandoval na apat sa labing-anim na indibidwal na binabaan ng arrest warrant mula sa Sandiganbayan ang
“Una po si former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na nakaalis po sa Singapore noong Augsut 6. Sumunod po si DPWH-OIC Planning and Design Division Montrexis Tamayo. Umalis po patungong Qatar noong November 15,” saad ni Sandoval.
“Sunwest Incorporated President and Board Chairman Aderma Angelie D. Alcazar Bumiyahe po patungong Australia noong October 2,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa ng BI Spokesperson, “Lastly po, si Sunwest Incorporated Treasurer Ceasar Buenventura. Bumiyahe po papuntang United Arab Emirates (UAE) noong October 2.”
Pero paglilinaw ni Sandoval, wala pang arrest warrant na sinisilbi sa mga nabanggit na indibidwal nang makalipad sila papuntang ibang bansa.
“Mayro’n po silang mga pinakitang return ticket but particularly do’n po sa case ni former Congressman Zaldy Co lumampas na po do’n sa reported date of return niya,” anang BI spokesperson.
Matatandaang nakaaresto na ang mga opisyal ng walong indibidwal na dawit sa maanomalyang flood control projects.
Ngunit ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon, simula pa lang ito ng mas marami pang pagpapanagot.
Maki-Balita: Zaldy Co, gumagamit umano ng ibang pasaporte kaya hindi maaresto—DILG