January 07, 2026

Home BALITA

20 Pinoy, naaresto sa Nigeria dahil sa ilegal na droga

 20 Pinoy, naaresto sa Nigeria dahil sa ilegal na droga
Photo courtesy: Pexels

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 20 Pilipinong seaman ang naaresto ng Nigerian drug enforcement matapos mahulihan ng cocaine ang barkong kinabibilangan nila.

Ayon kay DFA spokesperson Angelica Escalona, mula sa Brazil ang all-Filipino crew ang MV NordBosporus.

"The Embassy is already in coordination with the manning agency and the Department of Migrant Workers" ani Escalona.

Dagdag pa niya, "The Embassy instructed the Philippine Honorary Consul in Lagos to immediately liaise with authorities. The Embassy will also proceed to Lagos to check on the situation of the Filipino seafarers."

'Nakakapirma pa rin eh!' Sen. Imee, ipinagtanggol pagiging 'MIA' ni Sen. Bato

Batay sa mga ulat, tinatayang nasa 20 kilo ng cocaine ang nasabat sa naturang barko. Sinasabing itinago umano ito sa kailalimang bahagi ng barko.

Patuloy na pinag-iigting ng Nigeria drug enforcement ang pagpapatrolya sa karagatang bumabaybay sa Europa at Africa bunsod ng drug trafficking at production hub.