Kaabang-abang ang “Grand Homecoming Parade” ni Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao ngayong Linggo, Nobyembre 23.
Kaugnay ito sa pagkakapanalo ni Emma sa MGI, kung saan nasungkit ng Pilipinas ang first-ever back-to-back crowns nito sa naturang beauty pageant.
“Homecoming begins, #Philippines! Your queen is on her way!” saad ng MGI sa kanilang Facebook post noong Sabado, Nobyembre 23.
“After making history with the first-ever back-to-back win at Miss Grand International, Queen Emma is returning home,” dagdag pa nito.
Photo courtesy: Miss Grand International/FB
Sa hiwalay naman na Facebook post, kinilala rin ng MGI ang “pride” at “honor” ng mga Pilipino para kay Emma.
“Pride, honor, and the heart of every Filipino with her. Welcome home, Emma Tiglao, our Miss Grand International 2025,” saad ng MGI.
Photo courtesy: Miss Grand International/FB
Matatandaang nasungkit ni Emma ang ikalawang korona ng Pilipinas sa MGI, matapos kilalanin si Christine Juliane Opiaza bilang MGI 2024.
Vincent Gutierrez/BALITA