December 13, 2025

Home BALITA Politics

VP Sara sakaling mapatalsik si PBBM: 'Magkakagulo tayo!'

VP Sara sakaling mapatalsik si PBBM: 'Magkakagulo tayo!'
Photo Courtesy: Sara Duterte, Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng matipid na reaksiyon si Vice President Sara Duterte kaugnay sa posibleng paghalili niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kasalukuyan nitong posisyon.

Sa panayam ng media nitong Linggo, Nobyembre 23, nausisa kay VP Sara ang tungkol sa kahandaan niyang pumalit sa pangulo.

“‘Yan ang hindi ko muna sasagutin,” sabi ni VP Sara. “Kasi magkakagulo tayo niyan.”

Matatandaang sa mga nakalipas na araw ay may ilang grupo at indibidwal na nagsagawa ng kilos-protesta para ipanawagan ang pagbibitiw ni Marcos, Jr. sa puwesto.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Samantala, itinanggi naman ng Bise Presidente ang pagkakaugnay niya sa umano’y destabilization plot na umano’y pinopondohan niya mismo.

“Kapag mayro’n kang alegasyon, wala kang ebidensya, ang tawag niyan ay tsismis o ang tawag sa ‘yo ay tsismosa,” aniya.

Ito ay tugon ni VP Sara sa inilabas na listahan ng mamamahayag na si Ramon Tulfo kung saan kabilang siya at ang kapatid niyang si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte bilang financier umano ng planong pagpapatalsik sa pangulo.

Maki-Balita: 'Chismis lang!' VP Sara, kinontra bintang ni Ramon Tulfo na destabilisasyon