Kinikilig ang fans at supporters ng Kapamilya star na si Kaila Estrada matapos i-reveal ang pangalan ng role niya sa “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins," official entry ng Regal Entertainment para sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Paano ba naman kasi, "DJ Katherine" pala ang name niya rito, ha!
Pero ang DJ raw dito ay nangangahulugang "Disc Jockey" o taong nagpapatugtog, naghahalo (mix), at nag-aayos ng musika para sa isang audience; puwedeng sa radyo, sa club, sa party, o sa anumang event.
Kinikilig ang fans at supporters ng Kapamilya star na si Kaila Estrada matapos i-reveal ang pangalan ng role niya sa “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins," official entry ng Regal Entertainment para sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Paano ba naman kasi, "DJ Katherine" pala ang name niya rito, ha!
Ang bilis ng imahinasyon ng mga netizen na maikonekta ito sa mag-ex na reel at real partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o mas sumikat sa tambalang "KathNiel."
DJ kasi ang nickname ni Daniel habang ang Katherine, obvious naman na katunog ng Kathryn.
Isa nga sa mga social media page na nagbahagi ng post tungkol sa role ni Kaila ay "Kapamilya Online World."
Sa comment section, nagpahayag ng napansin nila ang mga netizen.
"Bakit di pa ginawang Kathryn! Katherineeee?"
"This is what you call marketing strategy HAHAHAHAA."
"sinasadya yan sympre pag gnyn iingay ang mga fandom."
"It’s the remix"
"Hahaha galing ng strategy ah di gano halata DJ na Katherine pa."
"Haha Ang catchy. Sinadya nice strategy."
"DJ na nga, Katherine pa."
"Grabi sadyaan ba to DJ Katherine talaga."
"Hahaha nilaro ba naman. Pinagsama c Dj at Kath."
"Marketing strategy? Galing!"
"Sinasadya para mas umingay HAHAHA."
Sinasabing si Kaila ang bagong dine-date ni Daniel matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Kathryn noong 2023, na para bang naging national issue ang atake!
Pero kahit marami nang sightings kina DJ at Kaila sa mga date nila, in fairness, nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa tunay na relationship status nila.
Kaugnay na Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz
Nagkasama ang dalawa sa action series na "Incognito" kung saan nanalo pa nga si Deej bilang Outstanding Asian Star dahil sa performance niya rito.
At talagang nagpakilig pa rin si Daniel nang banggitin niya ang namesung ni Kaila sa last part ng speech niya, nang i-acknowledge na niya ang mga nakasama niyang cast at production team dito.
Kaugnay na Balita: 'You made it anak!' Karla proud mama kay Daniel sa pagiging Outstanding Asian Star
Anyway, kasama ni Kaila ang madir niyang mahusay na aktres na si Janice De Belen sa nabanggit na proyekto, kaya abangan na lang ang mga eksena nilang mag-ina, kung mayroon man.