December 16, 2025

Home BALITA National

PBBM sa Christmas Tree Lighting: 'It's time to maybe put down what we are carrying!'

PBBM sa Christmas Tree Lighting: 'It's time to maybe put down what we are carrying!'
Photo courtesy: Screenshot from RTVM

Pinalaganap ng Malacañang Palace ang diwa ng Kapaskuhan matapos pangunahan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang taunang Christmas Tree Lighting Ceremony sa Kalayaan Grounds ng Malacañang ngayong Linggo, Nobyembre 23, 2025.

Kasama ang piling mga bisita, masiglang pinanood nina PBBM at FL Liza ang pagtatanghal ng “Puso ng Pasko” ng Alice Reyes Dance Philippines, na sinamahan ng Manila Symphony Orchestra at Ryan Cayabyab Singers.

Itinuturing itong kauna-unahang full-length, all-Filipino Christmas ballet na naglalarawan ng tunay na diwa ng Paskong Pinoy.

Pinangunahan ang produksyon sa ilalim ng paggabay ni Alice Reyes, Pambansang Alagad ng Sining para sa Sayaw, habang si Ryan Cayabyab, Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika, ang gumawa ng mga musikal na areglo.

National

4 na lalaki, arestado; higit ₱44M halaga ng shabu, marijuana atbp., narekober

Isa rin sa mga tampok ng seremonya ang paggawad ng parangal sa top three winners at tatlong espesyal na nagwagi sa “Isang Bituin, Isang Mithiin” National Parol-Making Competition Year 4.

Umabot sa 133 entries ang natanggap ngayong taon mula sa iba’t ibang TESDA Training Institutes sa buong bansa, patunay ng masiglang tradisyon ng paggawa ng makukulay na parol na simbolo ng pag-asa at pagdiriwang.

"The annual Christmas tree lighting at Kalayaan Grounds in Malacañan Palace symbolizes the warmth of Filipino Christmas and the ongoing hope for a Bagong Pilipinas, bringing Filipinos together to celebrate the holiday season," saad sa post ng Presidential Communications Office (PCO).

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ni PBBM ang lahat ng mga naging bahagi ng nabanggit na programa.

"What a joy it is to be reminded that we are now in the Christmas season," aniya. 

Nagawa pang magbiro ng Pangulo patungkol sa bigat ng trabaho ng mga miyembro ng kaniyang Gabinete.

"No matter how heavy the loads that we feel sometimes, and the work that we do... hindi ako 'yan ah, 'yong mga Cabinet secretary, may mga nararamdamang ganiyan... ako wala akong nararamdaman na gano'n, I don't know what they are talking about when they tell me about it."

"But you know, for all of us, everyone has challenges that they have to go through, but everytime we start to hear Christmas carols in the radio, everytime we see decorations go up, and I again, like what I've always said, we are the only country that puts up Christmas decorations starting in September..." aniya pa. 

Ipinagdiinan ni PBBM na sa kabila ng pagiging abala ng lahat, isang magandang pagkakataon ang pagdiriwang ng Pasko upang maglaan ng oras para sa pamilya at mga mahal sa buhay.

Binanggit din ng Pangulo ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na ginagawang highlight ang Pasko para makauwi sa Pilipinas at makasama ang pamilya nila.

Giit pa ng Pangulo, anuman daw ang mga pagsubok na pinagdaraanan, mahalagang bitiwan muna ito sa pagsapit ng Pasko at huwag kalimutang pagdiriwang ito ng kaarawan ni Hesukristo. 

"We examine our lives, I suppose, see and look back what has happened, and at the same time, it is the time to maybe, maybe put down what we are carrying and spend more time... especially us who are very busy, we sometimes neglect our family. We sometimes neglect those who we love. This is the time for us to take the time, it's perfectly alright, that you know, take a little time off," giit pa ng Pangulo.