Itinuturing ni Miss Mexico Fatima Bosch na itinadhana ng Diyos ang pagkapanalo niya bilang Miss Universe 2025.
Sa isang Instagram post noong Sabado, Nobyembre 22, muli niyang pinagtibay kung ano ang itinakda ng Diyos para sa kaniya.
“Today I reaffirmed that what God has destined for you, neither envy stops it, nor destiny aborts it, nor luck changes it. Long live Christ the King ” saad ni Fatima.
Ito ay sa kabila ng kontrobersiya na idinidikit sa kaniya matapos koronahan sa prestihiyosong kompetisyon.
Matatandaang tinawag pa ngang “fake winner” si Fatima ng Lebanese-French musician na si Omar Harfouch.
Si Omar ay nakatakda sanang maging hurado para sa Miss Universe 2025 ngunit nagbitiw dalawang araw bago ito ikasa.
Maki-Balita: ‘Alam na agad sino panalo?’ Resigned MU 2025 judge, binansagang ‘fake winner’ si Miss Mexico
Samantala, ayon naman sa Pilipinong pageant blogger at expert na si Norman Tinio, nagkaroon umano ng kulay ang pagkapanalo ni Fatima.
Aniya, “Personally, nagkakaroon ng color kasi iyong pagkapanalo ni Mexico. First of all, the president of the Miss Universe Organization Raul Rocha is Mexican tapos sa Puerto Rico gagawin next year,” sabi ni Norman.
“It’s like saying na, kailangan Latina ang manalo. Pero bakit hindi na lang Venezuela ang ipinanalo nila? Stronger woman with more convincing views,” dugtong pa ni Norman.
Matatandaang nakuha ng Thailand ang unang pwesto sa prestihiyosong kompetisyon, second runner-up ang Venezuela, third runner-up ang Pilipinas, at fourth runner-up aman ang Cote d’ Ivoire.
Kaugnay na Balita: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025