Ibinahagi ni Kapuso actor Mikoy Morales kung paano niya niyayang magpakasal ang non-showbiz girlfriend niyang si Isa Garcia sa pamamagitan ng pekeng pelikula.
Sa latest Instagram post ni Mikoy noong Sabado, Nobyembre 22, mapapanood ang video kung paano niya ginawa ang pagpo-propose noong Pebrero.
Dinala niya sa isang sinehan si Isa para sa isang intimate block screening kasama ang mga kaibigan nila kabilang si Kapuso actress Mikee Quintos.
Nagsimula ang pekeng pelikulang ginawa nila sa monologue ni Mikee na isinasalayasay ang love stroy ng parents niya at kung paano niya ito iniuugnay sa kasalukuyan niyang relasyon.
Pero kalaunan naisiwalat na nagre-rehearse lang pala si Mikee. At hihingi talaga ng tulong si Mikoy sa mga kaibigan kung paano magpo-propose kay Isa.
Hanggang sa ang screen ng sinehan ay napalitan na ng background na puro bituin. Niyaya na ni Mikoy si Isa na bumaba at magtungo sa unahan para doon itanong ang pamosong “will you marry me?”
“Then she said ‘yes,’” lahad ni Mikoy.
Dagdag pa niya, “It was a lovely, lovely night which wouldn't have been possible if not for everyone who were there that night and all the people who got involved and helped me pull this off — all for Isa.”
Sa kasalukuyan, nasa kalagitnaan na sina Mikoy at Isa ng paghahanda para sa kanilang pag-iisang-dibdib.