Nakapagpaabot na ng higit 2.2 milyong family food packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Tino at bagyong Uwan sa iba’t ibang bahagi ng bansa kamakailan.
Sa ibinahaging Facebook post ng DSWD nitong Linggo, Nobyembre 23, kalakip ng mga naturang food packs ang ready-to-eat food (RTEF) boxes para din sa mga residente.
“Mabilis na nakapagpaabot ang DSWD ng 2,216,333 kahon ng family food packs (FFPs) at 24,455 na mga ready-to-eat food (RTEF) boxes sa mga lalawigang matinding naapektuhan ng Bagyong #TinoPH at #UwanPH, as of 6AM ngayong Linggo (Nobyembre 23),” saad ng DSWD.
Ayon pa sa DSWD, ang inisyatibong ito ay bahagi ng augmentation request mula sa mga Local Government Units (LGUs) na nakalaan sa bawat pamilya sa 17 rehiyon sa Pilipinas.
Photo courtesy: Department of Social Welfare and Development/FB
Matatandaang nagpahatid din ang ahensya ng FFFs para naman sa mga naapektuhan ng nanalasang lindol sa Cebu kamakailan.
MAKI-BALITA: DSWD, naghatid ng aabot sa 2000 FFPs para sa naapektuhan ng lindol sa Cebu-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA