Inamin ni Kapamilya star Joshua Garcia na hindi raw niya agad naproseso ang nangyaring breakup sa kaniyang nakaraang relasyon.
Sa latest episode ng “BRGY Season 4” noong Sabado, Nobyembre 22, nausisa si Joshua kung kailan dumating ang punto ng buhay kung kailan napaisip siya at hindi makapaniwala sa estado ng buhay niya.
“Pandemic,” sagot ni Joshua. “Parang mas marami akong nangyaring nag-reflect ako sa buhay ko no’ng pandemic. [...] Kasi you have more time to rest, e. Kasi paglabas ko ng Bahay [ni Kuya] parang dire-diretso ‘yong mga pangyayari. Walang stop.”
“Kahit ‘yong breakup ko wala na akong time to process. Lahat naproseso ko noong pandemic. And that was a time din na I realized na I should protect kung ano ‘yong mga nakakamit ko,” dugtong pa niya.
Matatandaang nagkahiwalay sina Joshua at Julia Barretto noong 2019. Pero maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa pagkatapos ng breakup.
Kaugnay na Balita: Joshua Garcia, 'di kayang bumalik sa pelikula nang wala si Julia Barretto
Sa katunayan, nagkaroon pa nga ng pelikula ang dalawa ilang taon makalipas ang kanilang breakup. Suportado pa nga sila ng kani-kanilang partner.
Maki-Balita: Gerald, suportado comeback movie nina Joshua at Julia
Maki-Balita: 'Di nagselos?' Emilienne Vigier, proud sa movie ni Joshua Garcia kahit kasama ex-jowa
Pero bago pa man ang kanilang movie comeback na “Unhappy For You,” nauna nang magbalik-tambalan sina Joshua at Julia sa music video ng kantang “Paubaya” ni Moira noong 2021.