Sa wakas ay narating na raw ni Miss Universe 2025 3rd runner-up Ma. Ahtisa Manalo ang kaniyang “ultimate destination” sa larangan ng pageantry sa loob ng 18 na taon.
Sa ibinahaging Facebook post ni Ahtisa nitong Linggo, Nobyembre 23, isiniwalat niyang ito raw ay ang mairepresenta ang bansang Pilipinas sa Miss Universe stage.
“After 18 years, I have finally arrived at my ultimate destination that is to represent the Philippines in the Miss Universe stage,” saad ni Ahtisa sa kaniyang post.
“My pageant journey may end, but the work continues. Let’s continue fighting for what we want —a better Philippines and a better universe,” dagdag pa ni Ahtisa.
Kalakip ng post na ito ang isang video na nagpapakita ng ilan sa highlights ng kaniyang Miss Universe performance sa Bangkok, Thailand kamakailan, kasabay ang pagtugtog ng awiting “Multo” ng Cup of Joe.
Photo courtesy: Ma. Ahtisa Manalo/FB
Komento tuloy ng ilang netizens, talaga namang si Ahtisa ang kanilang “ultimate multo” pagdating sa naturang kompetisyon.
“My ultimate multo. Ma. Athisa Manalo, Miss Universe 2025”
“our biggest multo in the world of pageantry”
“I thought alas pilipinas men's volleyball is the last multo moment this year... then miss universe came”
“Your crown is our multo”
“Even the universe seemed to know it was you and every star whispered your name”
“SHOULD'VE BEEN YOUUUU”
“IN ANOTHER UNIVERSE, MAYBE?”
Hindi man mapalad na nasungkit ni Ahtisa na manalo, sinabi niya namang ginawa niya ang lahat at masaya siya sa naging resulta ng kompetisyon.
“I’m very happy. I’m happy and content. I did my best, that's all I can do,” saad ni Ahtisa.
MAKI-BALITA: 'I did my best!' Ahtisa Manalo, 'happy and content' sa naging laban sa Miss U-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA