Naghatid ng kilig sina Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Brent Manalo at Mika Salamanca sa ginanap na Puregold Hakot Relay Run sa Burnham Green, Quirino Grandstand nitong Sabado, Nobyembre 22.
Basahin: #BalitaExclusives: Participants ng Puregold Hakot Relay Run, pumaldo matapos matapos tumakbo
Matapos ang running event, sina Brent at Mika ang tila nagsilbing main performer sa isinagawang Sunset Concert. Naunang magtanghal ang P-Pop groups na Press Hit Play, KAIA, at G22.
Pero bago sila sumalang nang magkasabay ay binigyan muna sina Brent at Mika ng pagkakataon para magtanghal nang solo.
Saka dumoble ang lakas ng sigawan at tilian ng fans nang yayain na ni Mica si Brent para sumampa sa stage.
Kinanta ng dalawa ang collaboration song nilang “What If Tayo” na inilunsad noon lang Setyembre, dalawang buwan ang nakakalipas.
Matatandaang nasa loob pa lang ng Bahay ni Kuya ay nakitaan na ang dalawa ng chemistry. At lalong tuloy-tuloy na iniuugnay ang dalawa ngayong nasa outside world na sila.
Tiniyak pa nga ni Brent kay Mika na maaari siyang sandalan nito matapos nilang itanghal bilang Big Winner noong Hulyo.
"Mika, magkaduo tayo sa loob— pero mas masasandalan mo ako ngayon na nasa outside world na tayo. Kakampi moko," aniya.
Maki-Balita: Brent, ka-duo pa rin si Mika kahit nasa outside world na: 'Kakampi mo 'ko!'