December 18, 2025

Home BALITA

VP Sara, bumisita sa mga naapektuhan ng bagyong 'Tino' sa Negros Occidental

VP Sara, bumisita sa mga naapektuhan ng bagyong 'Tino' sa Negros Occidental
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)

Personal na binisita ni Vice President Sara Duterte ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino sa Himamaylan City, Negros Occidental. 

Ayon sa mga ibinahaging larawan ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Nobyembre 22, makikitang pumunta siya sa Himamaylan National High School sa Himamaylan City, Negros Occidental noon daw nakaraang Linggo. 

“Binisita natin ang mga kababayan natin na naapektuhan ng Bagyong Tino sa Himamaylan National High School sa Himamaylan City, Negros Occidental noong isang linggo,” pagsisimula niya sa caption ng kaniyang post. 

Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)

Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)

Probinsya

5 drug suspects, arestado matapos masabatan ng halos ₱2M halaga ng umano’y shabu

Dagdag pa niya, “Sa pangunguna ng Office of the Vice President, Panay and Negros Island Satellite Office, nagpaabot tayo ng tulong sa mga pansamantalang evacuees sa naturang lugar.” 

Pagpapatuloy ni VP Sara, nakilala niya raw doon ang isang ginang na si Quincy na eksaktong nagdiriwang ng kaniyang kaarawan. 

“Doon, nakilala ko si Quincy, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan kapiling ang kanyang mag-anak sa loob ng evacuation center. Sabay namin siyang inawitan ng maligayang pagbati sa kanyang kaarawan,” aniya. 

“Patuloy tayong maging matatag sa gitna ng mga pagsubok. Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, Bayan at sa bawat Pamilyang Pilipino.” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang higit sa pinakang nasalanta ng bagyong Tino ang probinsya ng Cebu at mga karatig lugar nito noong Nobyembre 3, 2025. 

Habang umakyat naman sa 224 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Tino, habang 109 ang naitalang nawawala, ayon sa report 6:00 AM report ng Office of Civil Defense (OCD) noong Nobyembre 9, 2025. 

MAKI-BALITA: Mga nasawi dahil sa bagyong Tino, umabot na sa 224; mga nawawala, nasa 109–OCD

Sa talang 224 na mga nasawi, 158 dito ang galing sa Cebu; 27 sa Negros Occidental; 20 sa Negros Oriental; walo sa Caraga; tatlo sa Capiz; dalawa sa Leyte at Southern Leyte; at tig-iisa sa Antique, Iloilo, Guimaras, at Bohol. 

Sa tala namang 109 na mga nawawala, 57 dito ang mula sa Cebu; 42 sa Negros Occidental; at 10 mula sa Negros Oriental. 

Mayroon na ring 526 na bilang ng mga taong sugatan, kung saan, 454 dito ay mula sa Cebu; 41 sa Leyte’ 28 sa Negros Occidental; dalawa sa Surigao del Norte; at isa sa Surigao del Sur.

MAKI-BALITA: Jimmy Bondoc sa 'ABS:' 'Para sa dilaw at kaliwa, burn the Constitution, wag lang Sara!'

MAKI-BALITA: VP Sara, ibinida 1M punong itinanim ng OVP sa loob ng 3 taon!

Mc Vincent Mirabuna/Balita