December 13, 2025

Home BALITA National

'Totally untrue!' Kaufman, itinangging natagpuang 'unconscious' si FPRRD sa selda

'Totally untrue!' Kaufman, itinangging natagpuang 'unconscious' si FPRRD sa selda
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB)/via MB

Mariing pinabulaanan ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga kumakalat na posts online na natagpuan umanong unconscious o walang malay ang dating presidente sa kaniyang selda ngayong umaga ng Sabado, Nobyembre 22, sa International Criminal Court (ICC) detention facility.

Sa isang opisyal na pahayag na ibinahagi sa Facebook page na "Alvin and Tourism" at ibinahagi naman sa opisyal na Facebook page ng "PDP-Laban," iginiit ng abogado na walang katotohanan ang naturang impormasyon at walang anumang insidente na naganap na katulad ng ipinapakalat sa social media.

Binigyang-diin ng abogado na nakausap niya mismo si Duterte, na aniya’y kalmado at matatag na naghihintay sa magiging desisyon ng ICC Appeals Chamber kaugnay ng kanyang kahilingan para sa pansamantalang paglaya.

Ayon umano kay Kaufman, verbatim, “I would like to state, in no uncertain terms, that the information circulating on the internet suggesting that Former President Duterte was found unconscious in his cell this morning is totally untrue."

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

"I have just spoken to him and he is stoically awaiting the judgment of the ICC Appeals Chamber on the matter of interim release," anang abogado.

Photo courtesy: Screenshot from Alvin & Tourism/FB

Sa ngayon, nananatiling walang kumpirmasyon mula sa iba pang kinauukulang awtoridad, habang patuloy na nananawagan ang kampo ni Duterte na maging maingat sa pagpapakalat at pagtanggap ng hindi beripikadong impormasyon.

Sa darating na Biyernes, Nobyembre 28, inaasahang lalabas na ang desisyon sa kaniyang interim release.