Nagpahayag ang action superstar at senador na si Robin Padilla na hindi niya alam na mayroon nang tatlong anak ang dati niyang manugang na aktor na si Aljur Abrenica sa bago nitong karelasyong aktres na si AJ Raval.
Ayon sa naging ambush interview ni Padilla matapos ang pagdalo niya sa contract signing ng pelikulang “Badboy 3” sa Viva Film Production nitong Biyernes, Nobyembre 21, sinabi niyang hindi na rin daw siya nabigla sa balitang iyon.
“Wala akong alam diyan pero hindi na ako nabibigla sa ganiyan,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Hindi na kabigla-bigla ‘yan sa panahon ngayon.”
Ani Padilla, kailangan daw mas maging masipag ni Aljur lalo na at marami na raw siyang anak.
“Good luck. Magsipag ka lalo kasi marami kang anak,” aniya.
Nagbigay rin ng mensahe ang senador para kina Aljur, kinakasama nito ngayon na si AJ, at kaniyang anak na Kapuso actress na si Kylie Padilla.
“Wala naman akong masasabi kundi good luck sa lahat. Maganda, maayos nila [at] hindi sila nag-aaway,” saad niya.
Ibinahagi rin ni Padilla sa publiko na alam daw niyang lumalabas pa rin si Aljur, Kylie, at kanilang anak.
Bukod dito, tiwala naman daw siya kay Kylie dahil isa itong mabuti at magaling na ina.
“Matanda na kasi si Kylie at lumaking independent. Mabuting ina, magaling na ina, masipag. Hindi ko na siya inaalala pa sa mga ganiyang usapin,” pagtatapos pa niya.
Usap-usapan noon ang pag-amin ni AJ na may anak na sila ng karelasyong si Aljur Abrenica, sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda.
"Actually Tito Boy, lima na po. I have 5 kids,” pag-iespluk ni AJ kay Tito Boy noong Nobyembre 12, 2025.
MAKI-BALITA: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!
Nang ipaliwanag, sinabi ni AJ na may nauna na siyang dalawang anak sa dating karelasyong hindi pinangalanan.
Ang panganay raw niya na pitong taong gulang na ay isang babae, na ang pangalan ay Ariana.
Ang pangalawa naman ay si Aaron subalit "angel" na raw ito matapos pumanaw.
Hindi naman tinukoy ni AJ kung sino ang ama ng nauna niyang mga anak.
Kay Aljur naman, may tatlo na siyang anak na sina Aikina na panganay nila, sumunod ay si Junior, at ang bunso naman ay si Abraham.
Matapos nito, agad ding naglabas ng reaksiyon at komento si Kylie hinggil sa isyu ng pagkakaroon ng tatlong anak ng estranged husband na si Aljur sa kasalukuyang karelasyong si AJ.
MAKI-BALITA: Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'
Aniya, matagal na raw niyang alam ang tungkol dito subalit mas pinili niyang manahimik para sa kapakanan ng mga bagets.
Proud daw siya sa dalawa dahil finally, hindi raw kailangan pang magtago.
Sagot ni Kylie, "Ito lng po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata."
"Sobrang close sila at yun pinaka importante. Happy that now di na kailangan mag tago. Proud of you peace all around. Sana matapos na drama."
MAKI-BALITA: 'Tantanan n'yo na si AJ, focus sa mga sangkot sa flood control projects!'—DJ Chacha
MAKI-BALITA: 'Di nagkikibuan sa shooting!' Aljur, dinaan sa bulaklak si AJ
Mc Vincent Mirabuna/Balita