December 13, 2025

Home BALITA National

Enrile, inihimlay na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig

Enrile, inihimlay na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig
Photo courtesy: via MB

Inihatid sa kaniyang huling hantungan si dating Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile nitong Sabado, Nobyembre 22 sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City, at binigyan din ng pagpupugay sa pamamagitan ng buong military honors bilang pagkilala sa mahabang paglilingkod sa pamahalaan.

Bago ang libing, ginanap ang isang misa para sa kaniya sa Santuario de San Antonio Church sa Makati City na dinaluhan ng kaniyang pamilya, mga dating kasamahan sa gobyerno, at mga kaibigan upang magbigay-pugay sa huling pagkakataon, bago siya tuluyang ihatid sa huling hantungan.

Sa labas ng simbahan, nakahanay ang mga tauhan ng militar habang inilalabas ang kabaong na nakabalot ng watawat ng Pilipinas.

Pinangunahan naman ni Defense Secretary Gilberto "Gibo" Teodoro Jr. ang pagbibigay ng full military honors kay Enrile, na matagal na nagsilbi sa iba’t ibang administrasyon at yumao sa edad na 101.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Mula sa simbahan, inihatid ang kaniyang mga labi sa LNMB sa pamamagitan ng isang funeral cortege kung saan nagpaalam ang mga mahal sa buhay.

Isinagawa ang paglilibing sa kaniya sa Libingan ng mga Bayani alinsunod sa mga protocol at karangalang iginagawad sa mga dating opisyal ng gabinete at mga reservist na may ranggo sa militar.

Sumakabilang-buhay si Enrile sa edad na 101 noong Nobyembre 13, sa edad na 101.

Kaugnay na Balita: Juan Ponce Enrile, pumanaw na sa edad na 101

Kaugnay na Balita: KILALANIN: ‘Gusto ko, happy ka!’ Sino si Juan Ponce Enrile?