December 13, 2025

Home BALITA Metro

‘Blackpink in your area!’ Mga motorista, inabisuhang loadan RFID para maibsan bigat ng trapiko sa NLEX

‘Blackpink in your area!’ Mga motorista, inabisuhang loadan RFID para maibsan bigat ng trapiko sa NLEX
Photo courtesy: MB, sooyaa_ (Jisoo,IG)

Nag-abiso ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation sa mga motorista na lagyan ng load ang kanilang RFID (Radio Frequency Identification) para maibsan ang inaasahang bigat ng trapiko sa ilang parte ng expressway mula Sabado, Nobyembre 22 at Linggo, Nobyembre 23. 

“The BLACKPINK Deadline World Tour will be held at the Philippine Arena on Saturday and Sunday, November 22 and 23, 2025, from 12:00 PM to 10:00 PM. Heavy traffic is expected in the area during the event. Motorists are encouraged to load RFID accounts and plan their trips in advance,” saad ng NLEX Corporation sa kanilang pahayag. 

Sa fans naman na dadayo sa Arena, inaabisong dumaan sa NLEX Ciudad de Victoria exit. 

Habang ang mga motorista na papunta sa Bocaue o Santa Maria ay maaaring dumaan sa mga rutang Marilao, Bocaue, o Tambubong exits.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Magpapadala rin ng mga traffic personnel ang korporasyon sa mga maaapektuhang lugar sa expressway, para personal na matugunan ang pangangailangan ng mga motorista dito. 

Photo courtesy: 
NLEX Corporation (FB)

Sa kaugnay na ulat, ang “Deadline World Tour” ng Blackpink ay ang pangalawang concert ng South Korean girl group sa bansa matapos ang kanilang “Born Pink Tour” noong Marso 2023 na ginanap rin sa Philippine Arena. 

Nakilala dahil sa kanilang “girl crush concept” at “swag,” ang Blackpink ay tinatawag ding “K-Pop's biggest girl group” dahil sa kanilang kasikatan hindi lang sa South Korea, kung hindi sa buong mundo. 

Ilan sa mga kantang pinasikat ng girl group ay ang “Lovesick Girls,” “Kill This Love,” “Pink Venom,” at “As If It’s Your Last.” 

Sean Antonio/BALITA