Bumaha ng grocery items sa kauna-unahang Hakot Relay Run na ikinasa ng Puregold sa Burnham Green, Quirino Grandstand nitong Sabado, Nobyembre 22.
Kaya naman hindi lang pagtakbo ang ikinapagod ng mga sumali sa nasabing running event dahil tila higit na malaking “problema” sa kanila kung paano maiuuwi ang mga giveaway ng Puregold.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay “Mar”, naitanong sa kaniya ang naging karanasan niya sa Hakot Relay Run.
“Sobrang nakakapagod kasi hindi talaga ako runner. Pero sobrang enjoy naman. I’m so happy,” lahad niya.
Sundot naman ng isa pang participant, “Nasali na ako sa mga running event pero first time po na ganito kadami ang mga loot bags.”
Samantala, ganito rin halos ang sinusugang pahayag ni Arlie na aniya’y may mga freebies na sobrang dami.
“Nagra-run ako, but this time kasi different na. Mayro’ng mga freebies na sobrang dami [like] groceries. Very fun and exciting,” aniya.
Sinasalamin ng event na ito ang malawak na layunin ng Puregold na maiangat ang komunidad ng mga Pilipino at ipagdiwang ang bawat pagkapanalo.
“Wins come in many forms. This is a new one for us, as Puregold tries to create moments where families, friends, and communities can connect,” pahayag ni Puregold President Vincent Co.
Dagdag pa niya, “This Hakot Relay Run gave us a chance to do exactly that.”
Samantala, bukod sa inorganisang running event, naghandog din ang Puregold ng Sunset Concert para itampok ang OPM at Pinoy Pop.
Kabilang sa mga nagtanghal sina Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Brent Manalo at Mika Salamanca. Kasama rin ang P-Pop groups na Press Hit Play, KAIA, at G22.