Nagpahayag ng pasasalamat si Miss Universe 2025 3rd runner-up Ahtisa Manalo para sa mga sumuporta raw sa kaniya hanggang sa magtapos ang nasabing beauty pageant.
Sa panayam ng bakitang journalist na si Dyan Castillejo kay Ahtisa nitong Biyernes, Nobyembre 21, 2025, ipinaabot niya ang kaniyang mensahe sa mga Pilipinong naniwalang masusungkit niya ang korona.
“That's okay. Things like that happen, that's out of our control. But, maraming, maraming salamat po sa suporta, always sa pagmamahal n'yo,” ani Ahtisa.
Saad pa niya, “Let's see what's next for me. There are more things to life... I'm very happy. This happened because of everyone around me. My team, the fans, the organization, I'm just really proud that I was able to represent with all the best I could.”
Matatandaang si Fatima Bosch ng Mexico ang nakasungkit ngg Miss Universe title ngayong 2025 habang ang MIss Thailand naman ang nasa 1st runner-up. Napunta naman sa Venezuela ang 2nd runner-up at 4th runner-up naman ang Côte d'Ivoire.
KAUGNAY NA BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025
Bumuhos din ang pagbati ng ilang personalidad para kay Ahtisa katulad na lamang ng paghimok ni Unkabogable Star Vice Ganda sa mga Pinoy na batiin pa rin ang titulong inuwi ng kandidata para sa bansa.
“Philippines let us all CONGRATULATE Ahtisa Manalo!!! She worked hard, performed well and WON it!” mababasa sa post ni Meme Vice.
KAUGNAY NA BALITA: 'She won it!' Meme Vice, proud pa rin sa hard work na pinakita ni Ahtisa sa Miss U
Maki-Balita: ALAMIN: Mga sagot ng Top 5 candidate sa Miss Universe 2025