December 12, 2025

Home SHOWBIZ

'She won it!' Meme Vice, proud pa rin sa hard work na pinakita ni Ahtisa sa Miss U

'She won it!' Meme Vice, proud pa rin sa hard work na pinakita ni Ahtisa sa Miss U
Photo courtesy: Vice Ganda (FB), Miss Universe Philippines (FB)

Nagpaabot pa rin ng pagbati ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na si Ahtisa Manalo. 

Ayon sa naging pahayag ni Meme Vice sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Nobyembre 21, hinikayat niya ang mga taong batiin pa rin si Ahtisa para sa ipinakita niyang dedikasyon. 

“Philippines let us all CONGRATULATE Ahtisa Manalo!!! She worked hard, performed well and WON it!” mababasa sa post ni Meme Vice. 

Photo courtesy: Vice Ganda (FB)

Photo courtesy: Vice Ganda (FB)

Vivamax, ‘prostitution ring’ ng mga negosyante, politiko—Mon Tulfo

Tila kumbinsido rin naman ang netizens sa naturang pahayag ng komedyante. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Meme Vice:

“Ang sakit pero clear winner si Ahtisa at hindi niya tayo niletdown, I hope people who doubted her before can see that now.” 

“Congrats pero haypeee meme nde deserve nng mexico Ang crown.. dpat k Cote or ven un hahhahaa” 

“Of course, let's also thank Athisa's designers. Filipino craftsmanship is truly next-level and spectacular!” 

“Indeed meme she’s a real winner athissaaaa.” 

“Post the winning answer of mexico and thailand hahahaha” 

“You Right Vice, But for me it should be Philippines and Cote D' Ivore had an excellent answers. They're performance and Beauty are 10/10.” 

“Still congratulations very ninakawan pa din meme” 

Matatandaang hindi pinalad ang Pilipinas na masungkit ang korona ng Miss Universe ngayong taon. 

Sa ginanap na 74th Miss Universe ngayong Biyernes, Nobyembre 21, itinanghal ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo bilang 3rd runner-up.

Ang kinoronahang Miss Universe 2025 ay si Fatima Bosch ng Mexico.

Samantala, ang 4th runner-up ay ang Côte d'Ivoire, 2nd runner-up naman ang Venezuela, at 1st runner-up ang Thailand.

MAKI-BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025

MAKI-BALITA: Meme Vice sa sigaw ng supporters ni Ahtisa sa MU: 'Para bang may nakulong nang magnanakaw!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita