Naglabas ng phayag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa inisyung warrant of arrest laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at iba pang indibidwal.
Sa inilabas na pahayag ni acting PNP chief PLTGEN Jose Melencia C Nartatez, Jr. nitong Biyernes, Nobyembre 21, sinabi niyang nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa Sandigan at iba pang ahensya upang tiyaking naipapatupad nang maayos at naayon sa batas ang mga warrant.
“We assure the public that due process will be strictly observed, and the individuals involved will be accorded all rights guaranteed under the law,” saad ni Nartatez, Jr.
Dagdag pa niya, “This development reflects the continuing effort of government institutions to ensure transparency and accountability in public service. The PNP remains committed to supporting these processes professionally, fairly, and without prejudice.”
Sa huli, umapela ang hepe sa publiko na magtiwala sa mga institusyon habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin nang may integridad, respeto sa batas, at pangako sa hustisya.
Matatandaang sa video statement na isinapubliko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nito ring Biyernes, inaapura na niya ang pag-aresto kina Co at sa iba pang kasamahan nito.
Maki-Balita: 'Huwag nang patagalin pa!' PBBM, pinabibilisan na pag-aresto kina Co, atbp.