December 12, 2025

Home BALITA National

PBBM, pakakasuhan na sa Ombudsman sina Romualdez, Co?

PBBM, pakakasuhan na sa Ombudsman sina Romualdez, Co?
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB), BALITAW FILE PHOTO

Inaasahan umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na masasampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sina Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. 

Ayon sa inilabas na video statement ng PBBM nitong Biyernes, Nobyembre 21, iniulat niya ang patuloy raw nilang pag-iimbestiga sa maanomalyang flood-control projects. 

“Kagaya ng aking nasabi noong nakaraang report ko, ay patuloy ang pagrereport ko sa taong bayan tungkol sa mga kaso at saka sa mga impormasyon na nakukuha natin tungkol sa mga flood control project na hindi maganda,” pagsisimula niya. 

Anang Pangulo, magrerekomenda na raw ang mga Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tanggapan ng Ombudsman.  

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“At kaya ngayon, ay nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH ay lahat ng nakuha nila na impormasyon, ay irerefer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman,” aniya. 

Tinukoy ni PBBM na maaari umanong sampahan ng kasong plunder, graft, at indirect bribery sina Romualdez at Co. 

“Ito ay tungkol sa mga impormasyon ng dating Speaker Martin Romualdez at saka ni Zaldy Co. Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery,” saad niya. 

“Malakas naman ang loob natin na yung Ombudsman ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya, at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon,” pagtatapos pa ng Pangulo. 

MAKI-BALITA: 'Walang piyansa!' Zaldy Co, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa flood control scam

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Mc Vincent Mirabuna/Balita