Napukaw ang atensyon ng publiko sa suot na singsing ni Kapamilya actress Loisa Andalio.
Sa latest X post ni Loisa nitong Biyernes, Nobyembre 21, ibinahagi niya ang kaniyang larawan habang may kargang aso.
Bagama’t wala itong kalakip na caption, nagkaroon ng kahulugan ang larawan dahil nahagip ang daliri niya kung saan nakasuot ang singsing.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"no need for caption na kasi sumisigaw ang bato congrats girl "
"Congratulations bb girl!!! Parang kailan lang iniyakan ko ang pagka evict mo ngayon naiiyak ako sa saya para sayo"
"From PBB grad to soon to be Mrs Alonte Thank you @iamr2alonte sa pagaalaga sa aming idol! Kailan ang kasal?"
"pagkapanood ni ronnie sa podcast takbo siguro agad para maghanap ng ring"
"omg my loinie hindi namin alam kung ano ibig sabihin niyan basta mag congrats na kami "
"aaaaaaa ang wish ni gelli in the bottle ay natupad na "
"Grabe mala Taylor swift ang engagement ring!! I say Dsurv!!! Congrats"
"May forever sa LOINIE waaaahhhh congratulations "
Matatandaang kamakailan lang ay nagparinig pa si Loisa sa online talk show na “Think Talk Tea” nang mapag-usapan ang tungkol sa kasal.
"Would you like to get married in the next 5 years?" tanong ni host nitong si Kring Kim.
"Sana naman, oo," sagot ni Loisa sabay tingin sa camera, "Kung okay lang naman."
Sey tuloy ni Kring, "Nananawagan po kami kay Ronnie Alonte."
"Kung okay lang, sa 9 years na 'to, hindi naman kita pinipilit. Walang sapilitan 'to ha," sundot pa ni Loisa.
Shinare naman ng long-time boyfriend niyang si Ronnie Alonte sa Facebook account nito ang pubmat kung saan tampok ang pinag-usapang nila ni Kring.
“[T]ige,” maikling sagot ni Ronnie.
Maki-Balita: Ronnie Alonte, pakakasalan na si Loisa Andalio?