Minalisya ng ilang netizens ang paraan ni Asia’s King of Talk Boy Abunda sa ginawa niyang fast talk kay Filipino-American MMA fighter Mark Striegl.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Nobyembre 20, taliwas sa kinasanayang fast ang ginawa ng host sa kaniyang guest.
Sa halip kasing nakaupo lang si Mark, hineadlock siya ni Tito Boy habang nagbabato ng mabibilis na tanong.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video clip na ibinahagi ng Facebook page ng “Fast Talk.” Narito ang ilan sa mga komento:
"Titoboy.. Pumila ka din "
"Paraparaan ka boy abunda!!! Hahaha"
"Wag kame tito boy ahahhahaah"
"The Boyshido fast talk. "
"Grabeh kana Tito boy quota kana"
"Pauutog napod tito boy ahh"
"Dinadamoves ni tito Boy."
"Why am I imagining this in Roderick Paulate's POV "
"chansing kay ka tito boy "
"Pasimple si mima"
"Madiskarte ka tito boy"
"Suma-sideline yarn?
"Hay nako tito boyyyyyyy!!!!"
"Christmas came early kay tito boy "
"You got caught in a bullshido technique, Mark "Mugen" Striegl ! "
Matatandaang si Mark ay bahagi ng South Korean reality competition series na “Physical: Asia” kung saan kabilang siya sa Team Philippines.
Napukaw ni Mark ang atensyon ng publiko kamakailan matapos ang tila chill niyang performance sa Quest 3 mission ng naturang serye kung saan natalo ng Team Philippines ang Australia at South Korea.
Bukod dito, naging guest runner din siya sa hit reality game show ng GMA Network na “Runner Man Philippines”