December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Meme Vice sa sigaw ng supporters ni Ahtisa sa MU: 'Para bang may nakulong nang magnanakaw!'

Meme Vice sa sigaw ng supporters ni Ahtisa sa MU: 'Para bang may nakulong nang magnanakaw!'
Photo courtesy: Vice Ganda (IG), Miss Universe Philippines (FB)

Tila tutok na tutok ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kasalukuyang paglaban ngayon ng pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo sa Miss Universe 2025. 

Ayon sa naging pahayag ni Vice sa kaniyang “X” account nitong Biyernes, Nobyembre 21, tila pabirong pinuna ng komedyante ang malakas na hiyaawan at pagsuporta ng mga tao sa pagpasok ni Ahtisa sa Top 12 ng MU. 

“Yung sigawan ng crowd kay Ahtisa nung tinawag sa Top12 para bagang may nakulong nang magnanakaw sa Pilipinas! Bunyi kung bunyi! Lets go Ahtisa Manalo!” mababasa sa post ni Vice. 

Photo courtesy: Jose Marie Viceral (X)

Photo courtesy: Jose Marie Viceral (X) 

Vivamax, ‘prostitution ring’ ng mga negosyante, politiko—Mon Tulfo

Tila good vibes naman ang hatid ng naturang post ni Vice at kinatigan pa ng netizens ang komedyante. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Vice: 

“Sana sa susunod na sigaw naten may nakulong na nga”

“Dapat sa Top 5 Meme "Pot or Lipot" na lang ang eksena”

“BWAHSHSHAHAHAHHAHAHHAHAH SA TRUE MEME”

“Naipasok mo pa talaga yun meme”

“Ahahahaha baka naman gobyerno namin oh,ilang maleta paba ang kailangan picture para makulong emeee…”

“Go Athisa!!! And also, Ikulong ang mga magnanakaw na kurap!”

“Hahhahahha,laro ka din meme vice basta laban lang athisa”

“Hahaha ganun kasaya ang Pilipinas kapag nakulong na ang mga kurakot at magnanakaw sa Pilipinas”

“Pag nanalo si ahtisa, pakikulong na ka agad ang mga corrupt para happy philippines na”

“Mas malakas pa dyan ang sigaw meme kpag nakulong n ung mga magnanakaw ”

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang Miss Universe 2025 sa Impact Challenger Hall sa Pak Kret, Nonthaburi, Thailand, kung saang pasok na sa Top 12 si Ahtisa Manalo.

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita