December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Matapos resulta ng MU 2025: Quezon Province Gov. Helen Tan, bet tumagay ng lambanog

Matapos resulta ng MU 2025: Quezon Province Gov. Helen Tan, bet tumagay ng lambanog
Photo Courtesy: Helen Tan, Ahtisa Manalo (FB)

Naghayag ng hirit si Quezon Province Governor Dra. Helen Tan matapos lumabas ang resulta ng Miss Universe 2025.

Sa latest Facebook post nitong Biyernes, Nobyembre 21, binati ni Tan si Ahtisa bagama’t napapaibig daw siyang uminom ng lambanog.

Si Ahtisa ay tubong Candelaria, Quezon. Ipinanganak siya sa naturang bayan noong Mayo 25, 1997.

BASAHIN: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2025 Athisa Manalo?

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

“Congrats Ahtisa, mahal ka namin. Ikaw pa rin ang Miss Universe para sa amin. Pero parang gusto ko uminom ng lambanog kahit isang shot lang,” anang gobernadora.

Dagdag pa niya, “Akala ko ako lang nagulat. Napakadami pala natin. ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Gov. Parini at pag-usapan po natin yan, may isang galon pa ako dito"

"Patagay din po"

"Miss universe pla Yun kalaq cooking show"

"Enjoy po Gob shot Puno "

"Naay po dra.gov.helen tan "

"Pakinabangan po! Shot puno!"

"mahre shot! upo ka po dito mahre, este ghov shelen stan, shi athisaaaa nlutoooooooooooo"

"Congratulations ms Mexicook"

Matatandaang nakuha ng Thailand ang unang pwesto sa prestihiyosong kompetisyon, second runner-up ang Venezuela, third runner-up ang Pilipinas, at fourth runner-up aman ang Cote d’ Ivoire.

Maki-Balita: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025