Muling iginiit ni Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez na nananatili pa ring malinis ang konsensya niya, sa kabila ng mga alegaysong kinahaharap niya sa 2025 budget insertions at maanomalyang flood control projects.
Sa inilabas niyang pahayag nitong Biyernes Nobyembre 21, 2025, iginiit niyang nakikipagtulungan daw siya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“I willingly submitted myself to the ICI’s fact-finding process, appeared voluntarily, and remained in the country. Throughout all these proceedings, no sworn or credible evidence has ever linked me to any irregularity and again my conscience remains clear,” anang pahayag ni Romualdez.
Saad pa niya, ipinagkakatiwala na raw niya sa Ombudsman ang mga kasong nakaambang ipataw sa kaniya.
“It’s now the Ombudsman. I trust in the Ombudsman’s impartial and thorough review and evaluation” anang dating House Speaker.
Aniya “I do so with confidence that a fair and complete assessment of the will reflect the truth.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na inihayag ni Romualdez na nananatili umanong malinis ang kaniyang konsensya, sa kabila ng mga paratang ibinabato sa kaniya—partikular na ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sa inilabas na pahayag ni Romualdez noong Nobyembre 15, 2025, tahasang iginiit ni Romualdez, nananatili pa rin daw na malinis ang kaniyang konsensya.
“My conscience remains clear!” ani Romualdez.
Saad pa niya, wala rin daw kahit na sino ang direktang nagtuturo sa kaniya sa mga maling gawaing pilit na idiniddin sa kaniya ni Co, kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
“Throughout this inquiry, no public official, contractor, or witness has pointed to any wrongdoing on my part,” anang dating House Speaker.
KAUGNAY NA BALITA: 'My conscience remains clear!' Romualdez, nag-react sa mga paratang