Nagpahayag na ang Kapuso Star at aktres na si Jillian Ward patungkol sa namumuong kilig ng netizens pagitan niya at anak ng “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao na si Eman Bacosa.
Ayon sa naging panayam ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA News kay Jillian noong Huwebes, Nobyembre 20, sinabi niyang nakikita daw niyang nagla-like si Eman sa mga Instagram post niya.
“Nakita ko po sa Instagram ko na nagla-like siya, na-appreciate ko naman,” pagsisimula ni Jillian.
Ani Jillian, na-follow na rin daw nila ang isa’t isa sa Instagram at napanood din daw niyang sobrang maka-Diyos si Eman sa mga TikTok videos tungkol dito.
“Ni-finollow niya po muna ako, finollow back ko. Napapanood ko din po 'yong mga TikToks tungkol sa kaniya na he's very Godly, he's very nice,” aniya.
Nagbigay rin ng mensahe si Jillian kay Eman kaignay sa pagkakapasok niya sa Sparke GMA Artist Center.
“Welcome to Sparkle, welcome to GMA, and I pray na hindi ka magbago. I pray po na he stays true to himself and very Godly and may God bless him always,” saad ni Jillian.
“Sabi niya sana magkita kami soon, so I hope to see you soon din,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang malugod na tinanggap ng Sparkle si Eman Bacosa noong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025.
MAKI-BALITA: Eman Bacosa, Sparkle artist na; hinihiritang itambal kay Jillian Ward na crush niya
“Welcome to Sparkle, Eman Bacosa Pacquiao. With his charm, discipline, and growing presence, Eman is ready to carve his own path in the industry! We’re excited to support his journey and see what’s ahead,” mababasa sa nasabing post sa Facebook page ng Sparkle.
Ngunit bago pa nito, nauna na ring aminin ni Eman sa publiko na natitipuhan niya si Jillian Ward.
MAKI-BALITA: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!
Ayon sa naging Fast Talk ni Eman kay Asia's King of Talk Boy Abunda noong Martes, Nobyembre 18, walang pagdadalawang-isip na binanggit ng batang boksingero na si Jillian ang Pinay aktres na natitipuhan niya.
“Crush mong artistang Pinay?” pagtatanong ni Tito Boy.
“Jillian Ward,” ani Eman.
“Kinilig naman ako,” pabirong hirit naman ni Tito Boy.
Maririnig naman ang kilig na namutawi sa nasabing segment mula sa mga manonood sa loob ng studio.
Pagtatanong pa ni Tito Boy, “one to ten, gaano mo kagustong ligawan si Jillian Ward?”
“Five,” sagot naman ni Eman.
MAKI-BALITA: ‘Piolo Pacquiao?’ Ilang netizens, naglalaway pa rin kay Eman Bacosa
MAKI-BALITA: 'Mana sa ama!' Anak ni Manny Pacquiao, wagi sa Thrilla in Manila 2
Mc Vincent Mirabuna/Balita