January 20, 2026

Home BALITA Internasyonal

Gintong inidoro, ipinasubasta sa halagang ₱700M

Gintong inidoro, ipinasubasta sa halagang ₱700M
Photo courtesy: Contributed photo

Isang gumaganang inidoro na yari sa purong ginto ang naisubasta sa halagang $12.1 milyon, o katumbas ng ₱700 milyon, sa Estados Unidos.

Ang inidoro ay likha ni Maurizio Cattelan — ang mapanghamong Italian artist na sumikat sa pagdidikit ng saging sa pader — ay isinubasta sa Sotheby’s sa New York.

Nagsimula ang bid para sa 18-karat na gintong obra, na may timbang na 101 kilo, sa humigit-kumulang $10 milyon.

Ayon kay Cattelan, ang obra na pinamagatang “America” na may satirical na kahulugan umano na nag-uugnay sa labis na kayamanan.

Internasyonal

Camiguin, kabilang sa ‘52 Places to Go in 2026’ ng The New York Times

Ang inidoro, na pagmamay-ari noon ng isang hindi pinangalanang kolektor, at isa sa dalawang pirasong ginawa ni Cattelan noong 2016.

Ang isa pa ay itinanghal noong 2016 sa Guggenheim Museum sa New York, na sinadyang ihandog bilang pautang kay Pangulong Donald Trump.

Kalaunan ay nanakaw ang obra habang naka-display sa Blenheim Palace sa England.