December 14, 2025

Home BALITA National

DPWH, ICI nagrekomendang kasuhan ng graft, plunder, indirect bribery sina Romualdez, Co

DPWH, ICI nagrekomendang kasuhan ng graft, plunder, indirect bribery sina Romualdez, Co
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO

Nagrekomendang sampahan ng mga kasong plunder, graft, at indirect bribery ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman (OM) laban kina Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. 

Ayon ito sa naging personal na pagtungo nina DPWH Secretary Vince Dizon at ICI member Rogelio “Babes” Singson sa tanggapan ng Ombudsman nitong Biyernes, Nobyembre 21, kung saan nagkaroon ang mga ahensya nila ng joint referral para sa mga nasabing kaso laban kina Romualdez at Co.

“I think you've all seen the message of the President this morning where he informed the country that the referral by the DPWH and the ICI was going to be submitted today[...] The referral is a collection of facts. These are the documents that… are to be connected to former Rep. Zaldy Co namely Sunwest Corporation and Hi-Tone Construction,” pagsisimula ni Dizon. 

“Sinusumite po natin ito sa Office of the Ombudsman para kanilang mas malalim na busisiin sa kanilang imbestigasyon,” paglilinaw pa niya. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Dagdag pa ni Dizon, “sinama din po namin ang sworn testimonies sa Blue Ribbon hearing sa Senate related to both former [House] Speaker Martin Romualdez and former Congressman Zaldy Co[...]” 

Bago nito, matatandaang nauna nang maglabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ng isang video statement sa tungkol sa mga inirekomendang kaso ng DPWH at ICI laban kina Romualdez at Co nito ring Biyernes. 

MAKI-BALITA: PBBM, pakakasuhan na sa Ombudsman sina Romualdez, Co?

“[N]ais kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH ay lahat ng nakuha nila na impormasyon, ay irerefer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman,” aniya. 

Tinukoy ni PBBM na maaari umanong sampahan ng kasong plunder, graft, at indirect bribery sina Romualdez at Co. 

“Ito ay tungkol sa mga impormasyon ng dating Speaker Martin Romualdez at saka ni Zaldy Co. Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery,” saad ng Pangulo. 

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag sina Romualdez at Co kaugnay sa mga inirekomendang kaso laban sa kanila. 

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

MAKI-BALITA: 'Walang piyansa!' Zaldy Co, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa flood control scam

Mc Vincent Mirabuna/Balita