Tila taon-taon na lang yata nabubuhay ang ‘ika nga nila’y walang katapusang pagrampa at winning moments ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa tuwing nabibigong masungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe, sa nakalipas na pitong taon.
Sigaw tuloy ng netizens, hindi raw maaaring magpahinga si Catriona—na kahuli-hulihang Pinay na nakapag-uwi ng Miss Universe crown.
“Ang kaisa-isang pampalubag-loob ng mga Pinoy hahahaha”
“Catriona ‘Mother of Coping Mechanism’ Gray.”
“Di pa ‘yan sha makakapahinga.”
“Binaligtad ang result, ayaw ka pagpahingahin.”
“Cancel na muna pahinga mo, Queen. Ikaw na muna ulit.”
“Eto na naman kami pabalik sayo accla!”
“Anteh, hindi ka pwede magpahinga, rarampa ka hangga’t walang Pinay na pumapalit!”
“Sorry teh, cancelled day-off mo.”
“Na-cooking ina tayo. Catriona pasok!”
Matatandang kamakailan lang nang ihayag ni Catriona ang kaniyang kumpiyansa para kay Ahtisa Manalo na naiuwi ang 3rd runner up sa Miss Universe 2025.
Maki-Balita: ‘Things like that happen!' Ahtisa Manalo, thankful pa rin sa resulta ng Miss U
“Feeling ko baka magpapahinga ako this year. Best of luck to our bunso, she’s doing an incredible job” saad ni Catriona.
Si Fatima Bosch ng Mexico ang nakasungkit ngg Miss Universe title ngayong 2025 habang ang MIss Thailand naman ang nasa 1st runner-up. Napunta naman sa Venezuela ang 2nd runner-up at 4th runner-up naman ang Côte d'Ivoire.
KAUGNAY NA BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025