December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

DFA, tiniyak walang nasaktang Pinoy sa magnitude 5.7 lindol sa Bangladesh

DFA, tiniyak walang nasaktang Pinoy sa magnitude 5.7 lindol sa Bangladesh
Photo courtesy: DFA,REUTERS/Mohammad Ponir Hossain

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy ang nasaktan sa pagyanig ng magnitude 5.7 na lindol sa Bangladesh nitong Biyernes, Nobyembre 21. 

Ayon sa pahayag ng Philippine Embassy sa Dhaka nito ring Nobyembre 21, ang nasabing lindol ay na-trace pitong kilometro mula sa Ghorsal, Narsingdi District, Dhaka Division. 

Sa kasalukuyan, ang embahada ay wala pang naitalang report ng mga Pinoy na nasaktan o naapektuhan ng nasabing paglindol. 

Gayunpaman, inabisuhan ng embahada ang mga Pinoy sa Bangladesh na manatiling kalmado, mapagmatyag, at alerto sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga tama at maayos na source. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Para sa agarang tulong, embahada ay maaaring ma-contact sa kanilang Assistance-to-Nationals (ATN) hotline +8801905400079 at email na [email protected]

Photo courtesy: DFA via PTV (FB)

Sa kaugnay na ulat, ayon sa mga lokal na pulisya, mayroon nang tinatayang tatlong katao na namatay, at iba pang sugatan dahil sa lindol. 

Ayon din sa DFA, sa talang 785 Pinoy na nasa Bangladesh, tinatayang 200 hanggang 300 ang naninirahan sa Dhaka. 

Sean Antonio/BALITA