December 13, 2025

Home BALITA National

CIDG, naglabas na ng subpoena sa mga indibidwal na sangkot sa flood control scandal

CIDG, naglabas na ng subpoena sa mga indibidwal na sangkot sa flood control scandal
Photo courtesy: File photo

Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na naglabas na sila ng subpoena para sa ilang indibidwal na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.

Sa panayam ng isang local news outlet kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Alexander Marico II, nitong Biyernes, Nobyembre 21, 2025, iginiit niyang matagal na raw sumunod sa kaukulang imbestigasyon ang hanay ng Philippine National Police (PNP) magmula ng ilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Executive Order No. 94 na siyang nag-iimbestiga sa nasabing maanomalyang proyekto.

“In line with its investigative mandate, the Group has issued subpoenas to certain individuals pursuant to its authority under 10973. Other concerned persons may be summoned during the course of the on-going investigation,” saad ng CIDG.

Samantala, tumanggi namang pangalanan ng CIDG ang mga indibidwal na na-iisyuhan na raw nila ng mga subpoenas.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

“We refrain from providing further information on the matter as investigation is underway. These matters will be better expounded by the ICI,” saad ng CIDG.

Matatandaang ilang buwan matapos umugong ang kaliwa’t kanang imbestigasyon sa mga sangkot sa flood control projects, ilang inidbiwal na ang nasampahan ng kaso kabilang si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na siyang itinuturong isa sa mga mastermind umano ng 2025 budget insertions sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sa flood control projects.

Kaugnay na Balita: 'Walang piyansa!' Zaldy Co, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa flood control scam

Kabilang din sa minamatahang kasuhan ng Ombudsman ay ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya—isa sa mga kontraktor na humawak ng naglalakihang proyekto ng flood control at iba pang imprastraktura mula sa gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: Matapos si Zaldy Co: Discaya couple, next target kasuhan dahil sa flood control scam!—Ombudsman Remulla