December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘Baligtad ang pagkabasa!’ Pagkanapalo ng Mexico sa MU 2025, nabahiran ng kulay—pageant blogger

‘Baligtad ang pagkabasa!’ Pagkanapalo ng Mexico sa MU 2025, nabahiran ng kulay—pageant blogger
Photo Courtesy: Miss Universe (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si pageant blogger at expert Norman Tinio matapos makoronahan si Miss Mexico Fátima Bosch bilang Miss Universe 2025.

Sa eksklusibong panayam ng “One Balita Pilipinas” nitong Biyernes, Nobyembre 21, sinabi niyang nagkaroon ng kulay ang pagkapanalo ni Fatima.

“Personally, nagkakaroon ng color kasi iyong pagkapanalo ni Mexico. First of all, the president of the Miss Universe Organization Raul Rocha is Mexican tapos sa Puerto Rico gagawin next year,” saad ni Norman.

Dagdag pa niya, “It’s like saying na, kailangan Latina ang manalo. Pero bakit hindi na lang Venezuela ang ipinanalo nila? Stronger woman with more convincing views.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon kay Norman, sagot ni Fatima ang pinakamahina sa question and answer portion ng mga kandidatang nakapasok sa Top 5 kung iraranggo niya.

“Kaya nga ang biruan ng karamihan, parang baligtad ang pagkabasa ng mga winners. Kasi dapat ‘yong 4th runner up ang nanalo at dapat si Ahtisa [Manalo] at least 1st runner-up man lang,” anang pageant blogger.

Matatandaang nakuha ng Thailand ang unang pwesto sa prestihiyosong kompetisyon, second runner-up ang Venezuela, third runner-up ang Pilipinas, at fourth runner-up aman ang Cote d’ Ivoire.

KAUGNAY NA BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025