January 25, 2026

Home BALITA National

‘At large na!’ Cassandra Ong, kumpirmadong wala na sa kulungan!—Sen. Gatchalian

‘At large na!’ Cassandra Ong, kumpirmadong wala na sa kulungan!—Sen. Gatchalian
Photo courtesy: Manila Bulleti

Inihayag ni Sen. Win Gatchalian na matagal na raw hindi nakakulong si Cassandra Ong–-isa sa mga personalidad na nauugnay sa ilegal na operasyon noon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Sa pagdinig ng Senado sa budget ng Department of Justice (DOJ) ibinahagi ni Gatchalian ang impormasyong mula sa nasabing ahensya.

"Ngayon si Cassandra Li Ong naka-release po siya, so hindi siya [nakakulong]," ani Gatchalian.

Paliwanag pa ni Gatchalian kay Sen. Risa Hontiveros na nasa pagdinig din at siyang senador na tumutok sa kaso ni Ong, "Actually nagulat rin ako. Pareho ho tayong nagulat kasi tinututukan ho natin itong case… I was advised that dahil nung nag-recess po ‘yung [Congress], pinalabas ho natin siya because ‘pag nagmo-move from one Congress to the other Congress, pinapakawalan ho natin ‘yung mga nade-detain dito."

National

‘Sila ay mga bayani!’ VP Sara, binigyang-pugay legasiya, alaala ng SAF 44

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala si Hontiveros.

"Nakakabahala talaga. Ngayon pa na humaharap na si Cassandra Li Ong sa kaso sa RTC sa Pasig," anang senadora.

Matatandaang noong Setyembre 2024 nang pahintulutan ng House QuadCom na ilipat mula sa kanilang kustodiya patungong Correctional Institution for Women (CIW).

Paliwanag pa ni Gatchalian, "Na-detain ho siya sa House and then because of the transition from the 19th Congress to the 20th Congress, pinalabas siya sa detention. At that point, wala pang kaso. So ngayon ho meron nang kaso, the same, qualified human trafficking."

Ang third regular session ng 19th Congress ay nagtapos adjourned noong Hunyo 2025 at saka naman nagsimula ang 20th Congress noong Hulyo.

Ayon kay Gatchalian, kinikililala nang nagtatago sa batas si Ong matapos ibaba ang kaso laban sa kaniya, ilang buwan matapos siyang makalaya.

Aniya, "Unfortunately, because nung nakalabas siya saka lang na-file yung kaso, at large siya ngayon."