Nagbigay ng reaksiyon ang misis ni Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao matapos maihambing ang hitsura kay Miss Mexico Fatima Bosch.
Sa isang Facebook post kasi ng online personality na si "Senyora" nitong Biyernes, Nobyembre 21, hinimok niyang suportahan din ng mga Pilipino si Fatima sa Miss Universe 2025 bukod sa pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo.
“Bukod po sana kay Ahtisa, isupport din natin ang isa pang Pinay na nilalaban tayo. Laban po Ms Jinkee Pacquiao!,” saad ni Senyora.
Komento naman ni Jinkee, “Parang ang layo naman Senyora pero thank you na rin God bless you Senyora!”
Kaya naman nagawa pang humirit ni Senyora nang koronahan na ni si Fatima bilang Miss Universe 2025.
Aniya, “Still a win for the Philippines! Congrats Madam Jinkee! You’ve made the Philippines and Sen. Manny proud! Para sayo ang laban na to!”
Samantala, kasalukuyang humaharap sa kontrobersiya si Fatima dahil tila hindi kumbinsido ang marami sa kaniyang pagwawagi.
Sa katunayan, fake winner umano ang pambato ng Mexico sa naturang kompetisyon ayon mismo sa Lebanese-French musician na si Omar Harfouch.
Si Omar ay nakatakda sanang maging hurado para sa naturang kompetisyon ngayong taon ngunit nagbitiw dalawang araw bago ito ikasa.
Maki-Balita: ‘Alam na agad sino panalo?’ Resigned MU 2025 judge, binansagang ‘fake winner’ si Miss Mexico