December 13, 2025

Home BALITA Politics

Wala sa kamay ng Pangulo!' Palasyo, sinagot umuugong na papalitan na rin si House Speaker Dy

Wala sa kamay ng Pangulo!' Palasyo, sinagot umuugong na papalitan na rin si House Speaker Dy

Sinagot ng Malacañang ang umano’y bali-balitang muli raw magpapalit ng House Speaker ang House of Representatives.

Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Nobyembre 20, 2025, nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na wala raw sa kamay ng Pangulo kung anong gustong gawin ng Kamara.

“Ang pagpili po kasi ng liderato ng Kongreso ay wala sa kamay ng Pangulo. Kung ano po ang kanilang magiging desisyon diyan, kung ano ang kanilang pagpapatakbo diyan, hindi po saklaw ng Pangulo. Nasa kanila po 'yan kung ano ang nais nilang gawin sa House of Representatives,” ani Castro.

Nang tanungin ng media kung sakaling mayroong magagawa ang impluwensya ni PBBM sa Kamara, saad ni Castro, “Wala po akong nakikita at wala pong ganon.”

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Matatandaang noong Setyembre nang bakantihin ni dating House Speaker Martin Romualdez ang nasabing posisyon matapos siyang ulanin ng nga kontrobersya hinggil sa pagkakaugnay niya sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nag-resign na bilang House Speaker

Sa ginanap ng sesyon ng Kamara noong Setyembre 17, sinabi ni Romualdez na napagpasyahan niyang bumaba sa puwesto matapos ang malalim na pagninilay at panalangin.

"After deep reflection and prayer, I have made a decision. Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of the Representatives," saad ni Romualdez.

Kaugnay nito, pinalitan siya ni Isabela 6th District Rep. Faustino "Bojie" Dy III bilang bagong House Speaker.

Nakakuha si Dy ng 253 kabuuang bilang ng boto mula sa mga kapuwa niya kongresista habang 28 naman ang nag-abstain. 

Maki-Balita: KILALANIN: Ang bagong House Speaker na si Bojie Dy III