Humingi ng pasensya si dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson sa naging pagsuporta niya noon sa kampanya ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Ayon sa naging pahayag ni Singson sa ginanap na Balitaan sa Harborview ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) nitong Huwebes, Nobyembre 20, humingi siya ng pasensya sa mga alkalde, gobernador, at konsehal sa kanilang lugar sa Ilocos Sur.
“Nabudol po ako noon kaya humihingi ako ng paumanhin lalong lalo na sa mga mayors, governors,” aniya.
“‘Yan ang mga nagtrabaho noon, especially the Councilors League dahil ako ang presidente ng Councilors League noong araw, ako ang presidente ng Mayor's League, ako ang presidente ng Governors League,’ paliwanag pa ni Singson.
Giit pa niya, hindi na raw mauulit ang ganoong pangyayari sa kaniya.
“Nabudol lang po tayo. H’wag na tayong pabudol ulit,” pagtatapos ni Singson.
Bukod dito, matatandaang nagbigay rin ng suhestiyon si Singson para kay PBBM kaugnay sa dapat gawin sa gitna ng talamak na korapsyon sa ilalim ng administrasyon nito.
MAKI-BALITA: ‘Galit ang tao!’ Chavit, pinagbibitiw si PBBM para 'di magaya sa magulang
Sa latest episode ng “The Big Story” ng One News PH noong Nobyembre 11, 2025, hinimok ni Singson na magbitiw na sa posisyon si Marcos, Jr. para hindi matulad sa tatay nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na pinatalsik ng taumbayan, sa pamamagitan ng People Power.
“Ang suggestion ko nga, kung magre-resign si BBM, mas maganda. Para hindi na siya paalisin ng tao kagaya ng nangyari sa mga parents niya,” saad ni Singson.
Dagdag pa niya, “Mas maganda, mas honorable kung mag-resign. Galit ang tao, e. Sa sobrang galit niyan, hindi natin alam ang mangyayari.”
MAKI-BALITA: 'Weak leader!' Chavit, idiniing si PBBM umano ugat ng mga korapsyon sa bansa
MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM
MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Mc Vincent Mirabuna/Balita