January 06, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Tutulong ako!' Rowena Guanzon, hinikayat pamilya ni Ivan Ronquillo na kasuhan si Valentine Rosales

'Tutulong ako!' Rowena Guanzon,  hinikayat pamilya ni Ivan Ronquillo na kasuhan si Valentine Rosales
Photo courtesy: via Balita/Ivan Cesar Ronquillo, Valentine Rosales (FB)

Binanatan ni dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang social media personality na si Valentine Rosales, na kinuyog ng mga netizen sa social media sa umano'y pambibintang sa pumanaw na si Ivan Cesar Ronquillo, ex-boyfriend ng VMX actress na si Gina Lima, na may kinalaman sa pagkamatay nito noong Linggo, Nobyembre 16, dahil umano sa paninikip ng dibdib.

Nadala ng emosyon si Rosales sa nangyari sa kaniyang umano'y kaibigan, at nagpuyos ang kalooban niya sa pagpo-post na umano'y sinaktan ni Ronquillo si Lima na naging sanhi ng kamatayan ng huli.

Subalit sa lumabas na autopsy report ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkules, Nobyembre 19, lumalabas na hindi namatay sa bugbog si Lima, taliwas sa mga kumalat na alegasyon online, na binugbog umano siya ni Ronquillo.

Maki-Balita: VMX actress Gina Lima, ‘di namatay sa bugbog—QCPD

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Ngunit tila huli na ang lahat para kay Ronquillo, dahil umaga ng Miyerkules din, napaulat na natagpuan siyang wala nang buhay matapos itong bawiin sa sarili, na umano'y dahil dulot na rin sa pinagdaanang pighati sa pagkamatay ni Lima, at umano'y dahil na rin sa mga pamba-bash at paninira sa kaniya online.

Maki-Balita: Ex-BF ng pumanaw na VMX actress na nagdala sa kaniya sa ospital, natagpuang patay!

Maki-Balita: 'Hayaan mo susunod ako sayo!' Ex-BF ng pumanaw na VMX actress, nakapag-post pa bago pagkamatay

Matapos nito, naglabas ng pahayag si Rosales sa social media at ipinaliwanag ang kaniyang panig sa nangyari; sinabi niyang nadala lamang siya ng emosyon dahil sa nangyari sa kaniyang kaibigan. Iginiit niyang naging biktima lamang din siya ng "misinformation."

Sumunod, sinabi ni Rosales na hindi na muna siya magpaparamdam sa social media, bilang payo na rin ng psychiatrist niya, dahil nanunumbalik daw ang "past traumas" niya dahil sa insidente.

Maki-Balita: Payo ng psychiatrist! Valentine babu muna sa socmed, nag-sorry na 'di nakapag-fact check

REAKSIYON NI GUANZON

Tila umawat naman sa pambabardagul niya sa politika si Guanzon at binanatan si Rosales, na aniya, ay mahilig sa "clout chase" at "lumalabas kapag may sikat na namamatay."

"Kaka clout chase niyang valentine rosales na yan ay may nagpakamatay na tao," mababasa sa Facebook post ni Guanzon, Miyerkules, Nobyembre 19 ng hapon.

Hinikayat niya ang pamilya ni Ronquillo na magsampa ng kaso laban kay Rosales. Nangako rin siyang tutulungan niya ang pamilya.

"Bat lagi nalang lumalabas yan kapag may sikat na namamatay, sa pamilya ng lalaki idemanda niyo yan para magtanda tutulong po ako," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon/FB

Ibinahagi rin ni Guanzon ang isa sa mga Facebook post ni Rosales, na nagpapaliwanag sa kaniyang panig kung bakit hindi niya napigilan ang sariling mag-post laban kay Ronquillo.

Ayon sa banat ni Guanzon, "bakla tigil mo kasi yang laro ng galing galingan kasi ikaw yung may platform dahil sa drama mo sa dacera case tapos ito nakisawsaw ka naaman sa isang krimen."

"hintayin mo nalang love letter mo."

Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon/FB

Ang "Dacera Case" na binanggit ni Guanzon ay ang tungkol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christina Dacera sa isang hotel sa Makati City, sa selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong Taon noong Disyembre 31, 2020, kung saan unang nakilala si Rosales, isa sa mga indibidwal na naging person of interest sa pagkamatay ni Dacera.

Pero nalinis ang pangalan nila nang lumabas sa autopsy report na walang foul play na naganap sa pagkamatay ni Dacera, kundi dulot ito ng aneurysm.

Maki-Balita: Valentine Rosales, kinukuyog matapos pagkasawi ng ex-BF ni Gina Lima

TUGON NG KAPATID NI IVAN RONQUILLO

Tila nakarating naman sa nakatatandang kapatid ni Ivan na si Sheila Rodriguez ang naging panawagan ni Atty. Guanzon sa kanilang pamilya.

Mababasa sa Facebook post niya nitong Huwebes, Nobyembre 20, "Hello po, Atty. Rowena Guanzon , maraming salamat po for speaking up for Ivan."

"As in sobrang flooded na po inbox ko. People are sending receipts, videos, screenshots, full statements lahat gustong tumulong, lahat naghahanap ng justice for Ivan."

"Right now, we’re still grieving. trying to process everything habang ang sakit-sakit pa. Pero Atty., one thing is sure, Makikipagtulungan po kami sa inyo."

"At ito pa ang pinakamasakit, Sa huling bilin ng kapatid namin, na hindi namin alam yun na pala yung last Sinabi niya pa 'Pag na-clear na pangalan ko, pananagutan ko lahat ng nambugbog sakin at nanira sakin sa social media.'

"Hindi kayo ginagalaw ng kapatid ko. Wala siyang ginawang masama sa inyo."

"Pero binasag nyo sya e. Binagsak nyo ang morale niya. Pinerahan, binully, siniraan - online at in person."

"Kaya yung mga may kasalanan, mananagot. Walang makakatakas sa katotohanan. Walang makakalusot."

"Thank you po, Atty., for using your voice and your platform."

"We just need a little time to compose ourselves pero nandito po kami, ready makipagtulungan."

"Para kay Ivan. Para sa totoo. Para sa hustisya na hindi niya nakuha," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon/FB

Hindi naman direktang binanggit sa post ng ate ni Ivan Ronquillo kung ang isa sa mga tinutukoy niyang papanagutin sa nangyari sa bunsong kapatid, ay si Rosales.

Maki-Balita: May sasampolan: Sigaw ng ate ni Ivan Ronquillo, 'We will stand for you and fight for your justice!'

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Rosales tungkol sa isyu.

Inirerekomendang balita