Nagkaroon ng pagkakataong maka-ensayo ni Filipino professional tennis player Alex Eala ang tennis legend na si Rafael Nadal.
Napapanood sa video ni Nadal sa kaniyang Instagram post noong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025, sa Rafa Nadal Academy, Mallorca, Spain, mapanood ang tapatan sa court ng dalawang nasabing manlalaro.
“One year later, it felt great to be back on a tennis court,” mababasa sa simula ng caption ni Nadal.
Photo courtesy: Rafael Nadal (IG)
Pagpapatuloy ni Nadal, “It was great to practice with you @alex.eala! Next time I will be stronger.”
Nagpasalamat din si Eala sa tennis legend dahil sa pagkakataong makasama siya sa ensayo.
“Thank you for today Rafa. Back like you never left!” komento ni Eala sa naturang post ni Nadal.
Bukod sa nasabing ensayo nina Nadal at Eala, saktong ipinagdiriwang din ng Spanish tennis player ang unang anibersaryo ng kaniyang pagreretiro mula noong Nobyembre 19, 2024.
Matapos nito, nakapagtala noon si Nadal ng record na 1000 mga panalo sa tour-level, 92 bilang na mga titulo at 22 dito ay mga major titles.
Dagdag pa, dating rank No. 1 din noon si Nadal sa PIF ATP Rankings sa loob ng aabot sa 209 bilang ng mga linggo.
Samantala, matatandaang nakapagtala ng new career-high bilang rank 50 ng Women's Tennis Association (WTA) si Eala noong Nobyembre 3, 2025.
MAKI-BALITA: Alex Eala, tumaas na naman career-high bilang rank 50 sa WTA!
Ayon ito sa bagong tala ng WTA, kung saan makikitang nakamit ni Eala ang kaniyang bagong pinakamataas na rank record mula nang magsimula siya bilang rank 138 nito lang ding taon.
Nanatili pa ring rank 50 si Eala ayon sa pinakabagong tala ng WTA nitong Huwebes, Nobyembre 20, 2025.
MAKI-BALITA: Alex Eala, tumaas sa rank 61 ng WTA matapos makuha kampeonato sa Guadalajara
MAKI-BALITA: ‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship
Mc Vincent Mirabuna/Balita