December 13, 2025

Home BALITA National

Ombudsman Remulla sa ICC warrant of arrest kay Sen. Bato: 'Abangan. Be patient'

Ombudsman Remulla sa ICC warrant of arrest kay Sen. Bato: 'Abangan. Be patient'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila pinatotohanan pa rin ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang umugong na paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. 

Ayon sa isinagawang press briefing ni Remulla noong Miyerkules, Nobyembre 19, sinabi niyang abangan na lang daw ng publiko ang tungkol sa nasabing warrant of arrest sa senador. 

“Abangan,” pagsisimula niya, “be patient, everything is a process.” 

Ani Remulla, transmittal ng warrant of arrest sa pamamagitan ng concomitant request ang hinihintay nila mula sa ICC. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Ano ‘yan, transmittal lang naman ‘yan ng warrant with the concomitant request na kasama to arrest,” aniya. 

“It can be in the PCTC, it can be an email to the DOJ, it can be an email to the DFA,” paglilinaw pa niya. 

Dagdag pa ni Remulla, nagkataon lang umano noon na nakita niya ang nasabing kopya ng warrant of arrest ng ICC laban kay Dela Rosa ngunit hindi na siya nagbigay pa ng dagdag impormasyon kung saan niya iyon nakita. 

“Nagkataon lang na nakita ko ‘yong kopya ng warrant kaya alam ko,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang isinapubliko ni Remulla ang umano’y hakbang ng ICC laban kay Dela Rosa sa isang panayam sa kaniya sa radyo noong Nobyembre 8, 2025, na mayroon nang arrest warrant ang ICC laban kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa, bago maging senador, ay naging hepe muna ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte, na isa umano sa mga naging "architect" ng giyera kontra droga.

Bukod pa rito, matatandaang nauna na ring sinabi ni Remulla sa panayam sa kaniya noong Nobyembre 18, 2025, na mayroon na umano siyang kopya ng warrant of arrest ng ICC laban kay Dela Rosa. 

“It’s a complication by the ICC but I will stand by my word that there is a warrant. It will arrive officially very soon. I still have my copy but it cannot be used because it has to be an official transmission,” saad ni Remulla. 

MAKI-BALITA: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!

MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

MAKI-BALITA: Supreme Court, pinabulaanan komento ng Chief Justice sa ICC warrant kay Sen. Bato

Mc Vincent Mirabuna/Balita