Hindi napanalunan ang mahigit ₱15 milyon at ₱5 milyong jackpot prize sa dalawang major lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office na binola nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 20.
Ayon sa PCSO, walang nakahula ng winning combination ng Lotto 6/42 na 27-16-38-30-39-10 na may kaakibat na premyong ₱5,971,209.40.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may premyong ₱15,840,000.00 dahil walang nakakuha ng winning numbers na 49-19-28-40-43-9.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang premyo sa susunod na draw.
Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado habang tuwing Martes, Huwebes, at Linggo ang Super Lotto 6/49.