December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

May sasampolan: Sigaw ng ate ni Ivan Ronquillo, 'We will stand for you and fight for your justice!'

May sasampolan: Sigaw ng ate ni Ivan Ronquillo, 'We will stand for you and fight for your justice!'
Photo courtesy: Sheila Rodriguez/FB

Labis na nagdadalamhati ang pamilya ni Ivan Cesar Ronquillo, ang ex-boyfriend ng namatay na si VMX actress at freelance model na si Gina Lima, matapos din ang pagkamatay nito na nag-ugat sa pagkitil sa sariling buhay, dulot na rin ng pagkasawi ng una noong Linggo, Nobyembre 16.

Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) noong Martes, Nobyembre 19, na natagpuang walang buhay si Ronquillo sa parehong bahay kung saan una nang nasawi ang aktres.

Bago ang insidenteng kinasangkutan ni Ronquillo, nagawa pa niyang isugod ang aktres sa ospital nang matagpuan itong wala nang buhay sa isang condominium unit sa Quezon City noong Nobyembre 16. Kasama umano ni Ronquillo ang amang si Cesar Ronquillo nang dalhin nila sa pagamutan si Lima, subalit dead on arrival na ang aktres.

Sa ulat ng TV Patrol noong Nobyembre 18, sinabi na ang dating nobyo ang nakapansin na tila hindi na humihinga ang aktres, dahilan upang agad niya itong dalhin sa ospital. Ngunit pagdating doon, idineklara na itong dead on arrival.

Tsika at Intriga

'Dad's okay!' Kat De Castro, tiniyak na maayos na lagay ng tatay na si Kabayan

Ayon sa inisyal na ulat, nakaranas ang aktres ng cardiorespiratory distress. Batay naman sa inilabas na autopsy report nitong Miyerkules, itinanggi rin ng QCPD ang mga kumakalat na espekulasyong namatay sa pambubugbog si Lima, na ibinibintang ng mga netizen at ilang social media personalities kay Ronquillo.

Bago ang pagkamatay ni Ronquillo, nakapag-post pa siya sa Facebook ng ilang videos na nagpapakita ng sweet moments nila ni Gina, at makahulugan din ang mensahe niyang "susunod siya sa kaniya."

Sa pinakahuling Facebook post niya, ipinakita niya ang isang video na tila nasa loob siya ng isang sasakyan, ipinakita niya rin ang mga galos niya sa pisngi, leeg, kamay, at maging ngipin na tila may basag. Mahihinuhang mula siya sa isang pananakit o pakikipag-away.

Sa post, isang pangalan ang nabanggit niya. Hindi naman natukoy kung ano ang eksaktong nangyari sa kaniya.

Mababasa, as is published, "Kay kevin tan yg maraming salamat sa ginawa mo sa mukha justice narin bahala sayo at maraming salamat sa pag kalat maling impormasyon."

Ito na ang huling post ni Ronquillo, bago sumambulat ang mga balitang natagpuan siyang walang buhay sa condo unit kung saan nakasama niya at nawalan din ng buhay si Lima.

Maki-Balita: 'Hayaan mo susunod ako sayo!' Ex-BF ng pumanaw na VMX actress, nakapag-post pa bago pagkamatay

PAGDADALAMHATI NG KANIYANG MGA KAANAK

Kaniya-kaniyang post na nga ang malalapit na kaanak ni Ronquillo bilang pagpapahayag ng pagdadalamhati sa biglaang pagkamatay nito.

Isa na nga rito ang ate niyang si Sheila Rodriguez, na shinare pa ang mga huling posts ng nakababatang kapatid.

Bandang tanghali ng Miyerkules, Nobyembre 19, ibinahagi ni Rodriguez ang larawan nilang magkapatid. Dito ay sinabi niyang nakapag-dinner pa silang dalawa at masinsinang nag-usap, bago nangyari ang pagkamatay ng una.

Nangako rin si Rodriguez na matapos nilang magluksa, susunod nilang gagawin ay ipoproseso na ang pagkakamit ng hustisya para sa namayapang nakababatang kapatid.

"Ivan Cezar Ronquillo kapatid ko, YOU were hurting silently and the world didn’t hear you. Now that you’re gone, we promise, we will stand for you and fight for your justice," mababasa sa post.

"Mamimiss ko yung bawat moment na may kailangan ka, tapos bigla ka nalang tatawag ng, ‘ATEEEE!’"

"Kagabi, magkasama pa tayo sa Morato, nag-dinner pa tayo at nag-usap na tayo ng masinsinan diba? Ang sakit, Van… sobra.

Mahal na Mahal kita, Kapatid ko!" aniya pa.

Bandang 5:37 ng hapon, nag-post na si Rodriguez kung saan mapupuntahan ang burol ng kapatid. Nakalagak ang mga labi ni Ronquillo sa San Fernando Funeral Homes, sa Kaingin Road, Quezon City.

"Today, our family faces a loss we never imagined. Our beloved Ivan Cezar R. Ronquillo passed away on November 19, 2025."

"My brother Ivan, took his own life after quietly struggling with pain that many could not see. With all that has happened lately, we want this moment first to honor him, remember his life, and hold space for the love and memories he shared with all of us.

Nothing can prepare you for the pain of losing someone so full of life, love, and potential."

"Thank you to everyone who has been sending messages, prayers, and support. It means more to us than words can express," aniya pa.

Bandang 7:36 ng gabi, muling nag-post si Rodriguez at nagpasalamat sa pagbaha ng mga mensahe ng pakikiramay sa kaniya at sa kanilang pamilya.

Muli niyang iginiit na hayaan lamang silang magluksa, at pagkatapos nito, hindi nila hahayaang hindi maibibigay sa kanila ang nararapat na hustisya para sa kapatid.

"I'm completely flooded with messages right now. Thank you to everyone who cares about what happened. Please give us some time to grieve. We will not allow justice to be denied. All of your concerns regarding what Ivan went through will be addressed," aniya pa.

Hindi naman tinukoy ni Rodriguez kung sino o sino-sino ang mga taong hahabulin at papanagutin nila dahil sa kinasapitan ng nakababatang kapatid.

Bandang 1:03 ng madaling-araw ng Huwebes, Nobyembre 20, ibinahagi na ni Rodriguez ang larawan ng kabaong ng kapatid na nasa funeral homes na.

"Fly high, Ivan. You left too soon but your memory will stay forever," mababasa sa post.

Bumaha naman ng mensahe ng pakikiramay sa comment section ng post.